Photo credit to Shawn Mendoza | Facebook |
Kwento ng isa sa grupo na si Shawn Mendoza, noong October 10 habang nagkwekwentuhan at nakatambay sila sa isang tindahan ay may narinig silang matandang sumisigaw at umiiyak sa sakit.
Kaya naman dali-dali nilang pinuntahan ang pinanggagalingan ng iyak at doon nga ay nakita nila ang isang matandang lalaking nakahiga sa sahig, walang suot na damit, puno ng sugat at nababalot ng sariling dumi.
Photo credit to Shawn Mendoza | Facebook |
Ani Shawn, sobra raw ang kanilang pagkabigla sa matandang nakita na talaga namang dumurog sa kanilang mga puso.
Kaya naman ninais ni Shawn na ibahagi sa social media ang pangyayaring iyon upang ihingi na rin ng tulong sa iba pang may magagandang loob si Tatay Armando, 70 years old, dalawang beses ng nastroke, iniwan ng pamilya at mga anak at ngayon ay namumuhay na lamang mag-isa.
Kaya naman ninais ni Shawn na ibahagi sa social media ang pangyayaring iyon upang ihingi na rin ng tulong sa iba pang may magagandang loob si Tatay Armando, 70 years old, dalawang beses ng nastroke, iniwan ng pamilya at mga anak at ngayon ay namumuhay na lamang mag-isa.
Photo credit to Shawn Mendoza | Facebook |
Narito ang nakaka-antig na post ni Shawn:
Oct.10, 2022. Around 2PM ng hapon, nakatambay kaming magkakaibigan sa isang tindahan sa Katuray st. ng barangay 179 Amparo, Caloocan City.
Sa gitna ng kwentuhan namin ay may narinig kaming matandang pasigaw ang salita at umaatungal sa sakit. Humihingi ito ng softdrinks ngunit wala kaming mahanap na pagbibilhan, kaya tubig nalang ang binili namin.
No'ng una ay gusto pa naming matawa dahil akala namin ay isa lang itong normal na tao at lasing lang. Ngunit nang oras na lumapit kami para iabot ang tubig at para makita na rin siya ng malapitan ay doon na bumungad ang isa sa pinaka nakakalungkot na eksenang pwedeng makita ng dalawa naming mga mata. Sobrang nakakalungkot at nakakabigla. Nakahilata siya sa sahig ng walang saplot pang-ibaba, puno ng mga sugat at nababalot siya sa sarili niyang dumi mula talampakan pataas hanggang sa ulo.
At sa punto ngang iyon, wala talaga kaming ibang nasa isip kundi mga katanungan. Kaya't habang pinapainom namin siya ng tubig ay sinubukan namin siyang kausapin, tanungin sa kung bakit nagkaganoon ang kalagayan niya, kung may may nag-aasikado ba sakanya, o kung asaan naba ang pamilya niya. At sa mga sandali ngang iyon ay puro lang kami tanong, willing din naman siyang sagutin ang mga tanong namin at eto nga ang mga bagay na nalaman namin tungkol sa kaniya.
Siya si ARMANDO VILLOTA, 7O+ years old at nagkaroon ng stroke dalawang beses, hiwalay sa asawa't mayroong tatlong anak, isang lalaki at dalawang babae at lahat silang tatlo ay napagtapos niya sa magagandang skwelahan at sa ngayo'y lahat sila'y nasa ibang bansa na. Hindi namin sigurado kung nasa Canada ba lahat ng anak niya, pero ang sigurado kami nasa ibang bansa silang lahat.
Nakakapagtaka lang na kung lahat ng mga anak niya ay nasa ibang bansa ay bakit gano'n ang kalagayan niya. Sobrang daming tanong ang naglalaro sa isipin ko pagkatapos niyang ikwento ang mga 'yon.
Hanggang sa nakausap ko nga ang ilan sa kamag anak niya, nasabi nila saakin na matagal na daw nila inilapit sa barangay si tatay Armando para hanapan ito ng paraan, pero wala naman silang napala.
Nasabi rin nila saakin na talaga ngang inabandona na siya ng mga anak nito at ipinasa rin nila sa akin ang screenshots habang hinihingan ng tulong financial ang mga anak ni tatay armando, pero ang mga sagot lang nito ay sobrang nakakadurog ng puso't para bang hindi nila ama ang nangangailangan. Hindi ko talaga alam kung ilalabas ko pa yung mga screenshots.
Matapos nga nang pakikipag-usap ko sa kanila ay napag-desisyonan na nga namin na bago kami magsi-uwi ay kami nalang magkakaibigan ang magpaligo kay tatay, maglinis ng tinutuluyan niyang bahay, at mag-asikaso sa kanya sa pagkain dahil nga sa hinang hina na talaga siya at hindi na kayang gawin yun lahat ng mag-isa.
At matapos nga 'yon ay tinanong namin siya kung kumusta ang pakiramdam niya at ang sagot niya nga'y "Para akong nasa alapaap." Na'ng marinig nga namin 'yon ay kahit paano ay medyo nabuhayan kaming lima.
At bago nga kami magsi-uwi ay sinigurado naming malinis na:: lahat at nakakain na siya at dumating na nga ang oras nagpaalam kami kay tatay ng may mga ngiti sa muka baon ang pasasalamat na binigay niya saamin.
Sa mga Gusto pong magbigay tulong kay tatay Armando, ay maiging i-contact lang ako o ang mga kaibigan ko na naka tag. Maraming Salamat!
Only GCash No.
09100601975
#helpfortatayarmando
***
Matapos ang post na iyan ni Shawn ay may mga nagpadala na diumano ng tulong kay tatay Armando. Kaya naman kinabukasan ay binalikan uli ng magkakaibigan ang matanda at dinalahan ng pagkain, prutas, bagong unan at kumot pati na rin electric fan at radio na request raw diumano nito.
Sumunod na araw ay binalikan muli nila si tatay upang ipacheck up sa ospital.
Photo credit to Shawn Mendoza | Facebook |
Source: Shawn Mendoza | Facebook