Mag-aaral na Walang Nasagot sa Exam, Imbes na Pagalitan ay Nakatanggap pa ng 'Appreciation Post' mula sa Guro! - The Daily Sentry


Mag-aaral na Walang Nasagot sa Exam, Imbes na Pagalitan ay Nakatanggap pa ng 'Appreciation Post' mula sa Guro!



Photo credit to Cassandra Marie Ismael | Facebook

"Education without values, as useful as it is, seems rather to make man a more clever devil." ― C.S. Lewis

Yan ang isang kasabihang pinaniniwalaan ng isang high school teacher sa Mabalacat, Pampanga na si Cassandra Marie Ismael. Para raw kasi kay Teacher Ismael, 'VALUES is more important than having HIGH GRADES". 

At napatunayan niya yan sa isang estudyante niya na aniya ay buong katapatang nagsabi na hindi ito nakapag-review kaya nagpasa ng papel na wala ni isang mang sagot sa kanilang pagsusulit.

Kwento ni Teacher Ismael, isang araw ng nagpa-exams siya sa kanyang mga mag-aaral ay
napukaw ang kanyang atensyon at naantig ang puso sa isa sa kanyang mga estudyante ng kanyang mabasa ang isinulat nito sa papel na imbes na sagot sa pagsusulit ay isang paghingi ng paumanhin dahil wala itong nasagot ni isa sa mga tanong.

"Sorry po Sir Hindi po ako naka-pagreview. Ayaw ko po mag-cheat kaya wala po ako sagot. Please appreciate." sulat ng mag-aaral.



Photo credit to Cassandra Marie Ismael | Facebook

Kaya imbes na magalit sa kanyang mag-aaral ay nagpasalamat pa ang guro sa pagiging tapat nito kaya naman kanyang ibinahagi sa social media ang isang 'appreciation post' para dito.

"I was touched and moved about this statement from one of my students, I'm not expecting that he's going to write this, I thought he's taking down his answers on our quiz. Thank you for making yourself honest. " post niya.

Photo credit to Cassandra Marie Ismael | Facebook


Narito ang buong 'Appreciation Post' ni Teacher Ismael na talaga namang hinangaan ng mga netizens:

"'Education without values, as useful as it is, seems rather to make man a more clever devil.' ― C.S. Lewis

I was touched and moved about this statement from one of my students, I'm not expecting that he's going to write this, I thought he's taking down his answers on our quiz. Thank you for making yourself honest.
 
'PLEASE APPRECIATE' This was the greatest words I've ever seen.
 
Take note, not all of us are getting an appreciation to others. So please even a small thing, try to remind yourself you have to appreciate from it.
 
-----

First thing po pinost po ko tong papel ng bata kasi nabigla po ako at naantig sa ginawa nyang sulat imbes na sagutan ang mga katanungan ko. VALUES is more important than having a HIGH GRADES with me. Persepsyon ko po yon, yun po ako.
 
Pangalawa po, wala po sya nung araw na naglelesson kami, and snabihan ko din ang mga iba na mag-aral, di ko lang alam kung nakarating sa kanya na magkakaroon sila ng pagsusulit.
 
Pangatlo, hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na tignan ang kanyang kwaderno, sa halip inisip na magsabi ng katotohanan sapagkat hindi nga namn nya talaga masagutan ang aking mga katanungan.

Let's just appreciate this post po. Nakakatuwa lang kasi sa tinagal tagal ng panahong nag eexam kami, ngayon lang siya nag-iwan ng mensaheng ganito.
 


Nakakatuwang isipin lamang na may ganito pa palang imahe ang bawat mag-aaral.

TAKE NOTE AGAIN, hindi ko nirerekomenda na gawin din ito ng iba pang mag-aaral. Sadyang BAGO lang para sa akin ito. (EFFORT din tayo)

Additional infos, naaksidente po yung bata kaya hindi nakapasok, and hindi ko alam that time na may nangyari palang ganon sa kanya. Lately ko lang nalaman, during that time kasi sila ay mag ququiz, so please understand the situation.
 
UPDATE : Just to make things clear po sa lahat, nag-usap na po kami ng studyante ko, I will give him a special exam with this matter. Atleast he will take time to review, I will update you po kung ano ang result.
 
Maraming salamat sa lahat."

#StudentAppreciation
#Thankyouforbeinghonest