Tatlong araw pa lang sa trabaho pero sisante ang inabot ng isang pobreng kahera ng isang shopping mall. Dahil ito sa pag pilit sa kanya umano na aminin ang isang kasaalang hindi naman niya ginawa.
Kwento ng cashier, ito ang kanyang first job. Pero sa kasamaang palad ay ganito pa ang kanyang naging karanasan.
"First job ko as cashier sa Landmark makati sobrang lala ng nangyare sakin. 3rd day ko sa trabaho kahapon ng pagkaha sa landmark. 11-8pm schedule ko, nung mga alas dos ng hapon tinawag ako nung supervisor ko at kinausap ako. Hinold na nila ako nung time na to di na nila ako pinagkaha. Sabi sakinng supervisor" Buendicho anong nangyare kahapon?", Sabi ko bakit po ma'am? Sabi nya "bakit nagshort ka ng 4993.71 pesos?"
Erika Joy Buendicho | Facebook
Erika Joy Buendicho | Facebook
Ikinagulat ito ng kahera na si Erika Joy Buendicho, kahit wala pang karanasan at pangatlong araw pa lang niya sa trabaho ay kampante naman siya at tiwalang nagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin.
Ni-review at kinausap ang lahat ng nakasama nito sa kanyang pagkakaha at na-check naman na maayos ang lahat ng kanyang naging transaksyon.
"Tama naman lahat ng transaction ko walang mali, so ibig sabihin daw nasakin daw yung mali ako daw makakasagot nun umamin na daw ako. Nasan daw yung limang libong nawawala."
Paulit-ulit naman niya itong sinagot na wala sa kanya ang pera at hindi niya alam kung saan napunta ito. Ani ng manager ni Erika ay huwag na daw itong mahiya at aminin na niya na kinuha niya ang pera, dahil kung hindi ay tuluyan na siyang dadalhin sa security office.
Dahil wala namang siyang ginawang masama ay hindi ito nagpasindak sa patuloy na pananakot ng naturang manager.
Erika Joy Buendicho | Facebook
"Sabi ko sige po ma'am! Pinababa ako sa security office kasama ko supervisor at mga security guard nagtitinginan sakin mga tao, pero dineadma ko lang kase alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan. Sumama ako hanggang sa security office pagdating namin don kasama ko pumasok sa loob yung supervisor ko."
Nagpatuloy ang interogasyon sa first time na kaherang si Erika Joy at ang head umano ng security pero sa pagkakataong ito ay dalawa na lang sila at pinaalis na ang kanyang supervisor.
"Iniwan kami nung super visor at kami lang ng head ang naiwan nag usap. Ininterview lang muna nya ako ng una ano daw trabaho ng papa ko saka mama ko. Tapos kung may anak daw ako sabi ko Opo. Tapos biglang sabi sakin, "Ah okay kaya mo nagawa to kase may anak ka pala." "Sabi ko sir wala po talaga sakin." Tapos pinatigil nya ako magsalita sabi nya sakin ganito iha ha, pag dika umamin makukulong ka."
"Paulit ulit kong sinasabi na wala saakin yung pera. Sabi ko kahit ipa rewind nalang sa cctv, wala daw cctv kase di pa tapos gawin. Like what????? Kahera ako tapos sa mall walang cctv. Antagal na nila nag ooperate walang cctv?"
"Tapos bigla nalang sya nagsalita na 'iha, naiintindihan kita kung bakit mo 'to nagawa, may anak ka. Ginusto mo gawin to kase may pangangailangan ka. Ganito, basta umamin ka lang istatement mo kung anong ginawa mo, para makuha mo yung pera, pano mo nailabas at anong dahilan. Or else dadalhin na kita sa presinto. Gusto mo ba yon?"
Kung hindi raw aamin ay posible siyang makulong ng 4-8 taon at P40,000 naman daw kung siya ay magpapiyansa.
Binigyan siya ng papel at panulat para isalaysay ang pangyayari ngunit dahil nga hindi naman niya ito ginawa ay hindi ni Erika alam kung ano ang kanyang isusulat.
Hanggang sa sinisigawan na siya ng head at pinupwersang isulat at amining siya ang kumuha ng nawawala umanong pera sa kaha.
Magkahalong pagod at takot na ang kanyang nararamdaman habang nanginginig, nanliliit at naiiyak na sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.
"Napilitan ako gumawa ng kwento sa statement. Kinuha ko na yung ballpen at magsisimula na ako magsulat kasi sa sobrang takot ko." ani Erika
Tinuturuan pa raw siya ng head kung ano ang isusulat hanggang sa may nadamay pang guwardiya dahil nabanggit niya sa inimbentong salaysay na hindi na-check ng maayos ang kanyang gamit kaya niya naipuslit ang pera.
Matapos ang salaysay ay tuluyan ng tinanggal sa trabaho si Erika at pinapirma na ng dismissal form ng kanyang supervisor.
Sa tatlong araw na pinasok nito at 5 days na training ay may makukuha sana siyang 4,576 pesos. Ngunit kulang pa itong pambayad sa P4,993.71 umanong pera na nawala sa kaha. Kaya tinawag ng security ang kuya ni Erika at saka hiningi ang P500 na kakulangan.
Bago tuluyang makauwi ay kung anu-ano pa raw ang pinapirmahan nito pero isang kopya lang naman ng papel ang ibinigay sa kanya.
Nakasaad dito ang salang pagnanakaw na humantong sa kanyang pagkakatanggal sa trabaho.
Labis na panghihinayang ang naramdaman ni Erika mula sa kanyang mga nagastos at hirap na pinagdaanan upang matanggap sa trabaho ngunit sa kasamaang palad ay ganito pa ang kanyang naging karanasan.
"Nakakaiyak lang na sobramg dami ko nagastos sa lahat ng requirements at uniform Ni piso wala akong nakuha sa sahod ko. Nawala lahat ng pinagpaguran ko. God bless nalang po sa inyo landmark. Sana di napo mangyari sa iba yung nangyari sakin."
Sa ngayon ay wala pang naiulat na pahayag mula sa nabanggit na shopping mall.
Erika Joy Buendicho | Facebook
Source: Erika Joy Buendicho | Facebook