May matapang at palaban na mukha pero napaka-cool at charming sa personal. 'Yan ang madalas na paglalarawan sa anak ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres.
Sa isang panayam kay Juliana Gomez, tinalakay dito kung paano nga ba maging isang supling ng mga sikat na artista turned politicians at gaano nga ba kabigat ang pressure na ito sa kanya.
Natural na maging malaki ang expectation sa kanya ng mga tao dahil nag-iisang anak lang siya ng mga bigating personalidad gaya nina Lucy at Goma. Pero hindi ito naging issue para sa 22-anyos na dalaga. "They don't put pressure on me, they allow me to fail."
Tungkol sa pagiging artista, never daw itong pumasok sa isip ni Juliana, mas gugustuhin pa aniya ang maging direktor kaysa umarte.
Juliana Gomez | Facebook
Juliana Gomez | Facebook
At kung ang maging isang beauty queen naman ang pag-uusapan, maaaring taglay niya raw ang tangkad pero hindi ang determinasyon at pagpupursige ng isang kandidata.
Full support naman ang mga magulang niya sa kung ano man ang ninanais tahakin ni Juliana. "They allow me to fail, they allow me to figure out what I want to do in sports or extracurricular activities, or what school I want to go to. They really gave me the freedom to choose."
Juliana Gomez | Facebook
Juliana Gomez | Facebook
Sadyang napakaswerte nito sa kanyang mga magulang at ganun din naman ang mga ito sa pagkakaroon ng anak na kagaya niya.
"Have you seen my parents? They’re such beautiful people! When I was young, I kinda thought I was adopted. Parang iba talaga yung itsura ko sa kanila eh! Iniisip ko, san ba 'ko nagmana?"
"And then slowly I started seeing my dad’s features and then people started telling me, ‘You look like your mom!’ So ako naman, kinikilig ako, because ‘Wow! You think I look like mom?" masayang pahayag ni Juliana.
Kasalukuyang kumukuha ito ng kursong Public Administration sa UP Diliman at naninirahan sa kanilang tahanan sa Ormoc. Mula nang magumpisa ang pandemya ay dito na siya namalagi na siya at aminado naman ito na gusto niya ang buhay rito.
"I love it here. I can say that my life is here." ani Juliana.