Ang karagatan ng Pilipinas ay talagang mayaman sa mga lamang-dagat at patunay na dito ang iba’t ibang isda na nahuhuli ng ating mga mangingisda.
Dalawang beses na rin nakabingwit ng malaking isda ang ating mga mandaragat. Una na dito ay ang higanteng lapu-lapu sa Palawan na may timbang na umabot sa 123 kilos.
At nitong Hunyo naman ay isang napakalaking lapu-lapu na naman ang nahuli sa Antique na may timbang na 187 kilos na nabingwit ni Rex Vega Jr. ng Antique.
Dahil sa magkasunod na higanteng isda na nahuli ay tinatayang marami pang giant lapu-lapu ang nasa karagatan ng bansa.
Ang unang higanteng isda ay nahuli umano noong May 3, 2022 at ito ay naibenta ng mahigit Php19, 000.
Larawan mula sa Facebook |
At nitong Hunyo 25 ay nahuli ni Rex ang mas malaking lapu-lapu na talagang napakalaking biyaya para sa kanyang pamilya.
Ayon pa sa isang Facebook post ng tiyahin ni Rex, hindi umano naging madali ang pagkuha sa kabuuang timbang ng isda dahil hind inga ito kasya sa timbangan.
“Hindi kasya sa timbangan ang isda.” Ayon pa sa caption ng post ni Reah Vego Davidson*
“Around 5:00 p.m. nila naiangat yung isda at laking gulat nila nang makita ang higanteng lapu-lapu,” kwento pa ni Reah*
Napag-alaman din na nakatanggap pala ng batikos si Rex mula sa ibang netizens sa pagkakahuli ng higanteng lapu-lapu. May mga nagtanong din umano kung bakit hindi ito ibinalik sa dagat.
“Well, the fact is, hindi sinasadyang mahuli or hulihin ang giant lapu-lapu na yun dahil ang baits maman talaga ay sinadya para sa blue marlin or yellow fin tuna or tangigue lamang.