Isang netizen ang nagbahagi kamakailan sa social media ng kanyang karanasan umano sa bagong style ng mga manloloko upang makuhanan ka ng pera sa GCASH.
Ayon pa kay Facebook user Cam’z Jerico Kirk Hammet, pitong libo ang nakuha sa kanyang GCASH account kamakailan. Bukod sa kanya, ay may store pa daw na nakuhanan naman ng halagang 22 libong piso.
“Mga ka GCASH USER share ko lang ang bagong modus sa CGASH. Marami na po sila nabiktima dito na ganito po ang style nila.
Nabiktima po kami ng 7k kahapon tapos nalaman namin na di lang pala kami ang nabiktima meron na naman po isang store owner na nakuhanan worth 22k sa gcash.” Panimula ng caption ng netizen
Ang sistema daw ng mga suspek ay magpapa-cash in at pagkatapos ma proseso ang transaction at naisara na ang GCASH app ay saka nito ihahabol na kailangan pala niya ma picturan ang confirmation.

Screenshot ng mismong post ng netizen sa isang Facebook group |
“May pumunta po sa amin para mag pa cash in amounting 100 pesos. After matransact, yung tipong naclose mo na yung app sasabihin niya need niya pala picturan yung confirmation, kaya since close na ang mismong app, ang ipapakita na namin ay yung mismong text po.” Saad sa post ng biktima*
At dahil nga naisarado na ang application ay mismong text message nalang mula sa inbox ang ipapakita sa customer.
Habang ginagawa ito ay mag aattempt naman ang kasama ng suspek na iaccess ang GCASH account ng biktima sa cellphone nila at isasakto ang login sa pagpicture ng confirmation para makuha naman ang OTP at ma-access ang GCASH ng biktima nila.
“Yun pala the moment na ipakita mo ang confirmation, nag attempt na pala yung kasama niya iopen ang gamit mong gcash app sa cp nila since alam na nila ang cp number kaya ang gagawin nila isasakto nila na mag attempt login kapag pinapicturan mo ang text kasi mag ppop up din yung bagong dating na OTP.”
At wala pang ilang minute ay simot na ang laman ng GCASH wallet mo nang di mo alam.
May payo rin ang concerned netizen sa kapwa mga GCASH users at lalo na sa mga store owner na tulad niya para maiwasang mabiktima ng ganitong modus.
“Kaya po sa nangyari, payo nalang po namin na kapag nagrequest sila ng reference no, or mismong text ni Gcash ay banggitin niyo na lang reference or isulat po sa papel.” Ayon pa kay Facebook user Cam’z Jerico Kirk Hammet
"Be vigilant nalang din po lalo na sa walk in tapos tipong nangungulit maipakita yung mismong text po ni GCash." aniya pa