Isang inabandonang aso na natagpuan sa may Mandaluyong City ang pumupukaw ngayon sa damdamin ng mga netizens matapos kumalat ng mga larawan nito.
Ayon kasi sa nakapulot at tumulong dito ay may iniwan pa daw na sulat ang amo nito. Mensahe na natagpuang nakaipit sa tali ng aso para sa kung sino man ang makakapulot sa kanyang alaga.
"kuya/ate kung sino po ang makabasa nito sana po alagaan nyo po ng maayos ang aso ko"
Gamit ang isang pilas ng papel na tila galing pa sa notebook ng mismong nagsulat nito. Isang mag-aaral, marahil ay isang batang estudyante.
Mahahalata mo rin ito dahil sa paggamit ng nagsulat ng liham ng "po" na para bang mula sa isang nagmamakaawang bata.
Nicole | Twitter
Nicole | Twitter
"Kaya kopo ginawa ito dahil lagi nagagalit si mama sakanya hindi ko man kagustuhan."
"Sorry PANDA (crying/sad emoticon)"
Panda! Ito ang pangalan ng kawawang aso base sa sulat ng kanyang amo.
Mabuti na lang may mabuting kalooban ang nakapulot kay Panda.
Agad namang dinala ng nakapulot na si Nicole ang abondonadong aso sa Philippine Pet Birth Control Center Foundation sa may Boni Avenue.
Nicole | Twitter
Nicole | Twitter
Muntik pa ngang hindi umabot si Nicole at Panda sa nasabing institusyon dahil gabi na at pauwi na raw ang mga staff nito. Pero nagpatulong pa rin ito sa guard ng lugar at sakto namang meron pang mga assistant doon para tuluyan ng maipasok at masuri ang kalagayan ni Panda.
"Hi, guys! Thank you so much for sharing and checking on Panda. I left her in PPBCC around 7PM yesterday" ayon sa tweet ni Nicole.
Nicole | Twitter
Sa kabila ng pakikisimpatya ng social media sa kalungkutang nadama ng mabasa ang emosyonal na mensahe ng amo nito. Marami rin ang humanga sa kabayanihan ipinamalas ni Nicole.
Ang ilan pa sa mga ito ay nagpakita ng intensyong kupkupin ang asong si Panda sakaling wala pang umaapon rito.
Sana ay makaabot sa batang amo na nasa mabuting kalagayan na ang kanyang minamahal na alaga.
Source: Nicole | Twitter