Photo credit to Robin Paz Jr. | Home Buddies |
Ano nga ba ang sukatan ng tagumpay? Ito ba ay ang pagkakaroon ng maraming pera, malaking bahay at mamahaling kotse, magandang trabaho at 'travel abroads' o simple at masayang pamumuhay at pagiging kuntento sa kung ano ang meron tayo?
Iba-iba man ang ating batayan sa pagiging tagumpay sa buhay, ang mahalaga ay ang kaligayahan na ating tinatamasa kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay. 'Bonus' na lamang sigurong maituturing ang karangyaan dahil ang pinakamahalaga ay pagiging tunay na maligaya sa iyong ginagawa, simple man ito o magara. Ang mahalaga ay iyo itong pinagsikapan at pinaghirapan hanggang sa makamit ang tagumpay na tinatamasa.
Ito ay pinatunayan ng netizen na si Robin Paz Jr., na nagbahagi ng kanyang kahanga-hanga at 'very inspiring' na kwento kung paano niya napagtagumpayan na makamit ang pangarap sa kabila ng mga hirap sa buhay na dinanas noon.
Photo credit to Robin Paz Jr. | Home Buddies |
Sa isang 'private group' sa Facebook na 'Home Buddies', buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang resulta ng kanyang pagsusumikap at dedikasyon. Kanya ring pinasalamatan ang mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay mula noong nagsimula lamang siya bilang nagbebenta ng plastic, dyaryo, at bakal hanggang sa nakatapos ng pag-aaral at magiing isang 'financial advisor' na naging susi sa kanyang magandang buhay sa kasalukuyan.
Photo credit to Robin Paz Jr. | Home Buddies |
Narito ang kanyang nakaka-inspire na kwento:
"Hi mga ka Home Buddies! The long wait is over.
I would like to share with you the result of my hard work and dedication. Hindi ko lubos maisip na matutupad ko ang aking pangarap na magkaroon ng sariling bahay sa maikling panahon. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at nag inspire sa akin. Sa aking mga magulang na nagbigay sa akin ng lakas ng loob, Maraming Salamat! Sa aking Managers at mga co-workers na walang sawang sumusuporta sa akin, Maraming Salamat! Sa aking mga kaibigan na patuloy ang pagtulong , Maraming Salamat! Sa @Movafit Designs na tumulong sa akin para magawa at mabuo ang pangarap kong bahay, Maraming Salamat! Kay Tyrone Zinampan ng Plain Sketch sa tulong at gabay para mapaganda ang aming bahay, Maraming Salamat! Sa aking Misis Meemee Sosito - Paz sa iyong patuloy na pagmamahal na walang katumbas, ligaya mo ang ligaya ko. Maraming Salamat! Sa aming munting anghel na si Candace Grace sa pagbibigay kulay at saya, binuo mo ang buhay. Maraming Salamat! At sa ating Panginoon sa walang sawang pagbibigay sa akin at sa aking pamilya ng biyaya, Maraming Maraming Salamat!
Photo credit to Robin Paz Jr. | Home Buddies |
Nanggaling ako sa isang simpleng pamilya pero may mataas na pangarap. Sa murang edad, nagbebenta na ako ng plastic, dyaryo, at bakal. Natutunan ko na rin maglako ng ukay-ukay para makatulong sa aking pamilya. Di naging hadlang ang pagiging mahirap para matupad ko ang aking mga pangarap. Nagsikap ako na makapagtapos para balang araw, maparanas ko sa aking pamilya, lalong lalo na sa aking mga magulang ang sarap ng buhay. Sumubok ako ng maraming trabaho hanggang sa nahanap ko ang trabahong aahon sa amin sa kahirapan. Di madali ang pagiging Financial Advisor. Ngunit sa kagustuhan kong makatulong sa ibang tao, nagsikap at nag tiyaga ako para ako’y maging instrumento sa pagbago ng buhay ng iba. Maliban sa trabaho, nabiyayaan din ako ng isang mapagmahal at maarugang asawa. Di ko naisip na ang babaeng nakilala ko nung Kolehiyo ang makakasama at makakatulong ko sa pag abot ng aking pangarap. Parehas kaming nagsumikap mapa-araw o gabi. Itong bahay namin sa Cavite ay isa sa mga marami naming pangarap na natupad na. At sa taong ito, ibinigay rin sa amin ni Lord si Candace Grace, ang pinakamahalaga at pinakamagandang pangarap naming mag-asawa. Pupunuin natin ng saya, magagandang alaala at higit sa lahat pagmamahal ang ating munting tahanan.
I think God blesses me so much because He wants me to be a channel of blessings to people and to be an instrument to inspire others to work hard in order to achieve their goals."
Source: Home Buddies | Facebook