Billy Crawford may binunyag tungkol sa ugali ng asawang si Coleen: 'kuripot ang asawa ko' - The Daily Sentry


Billy Crawford may binunyag tungkol sa ugali ng asawang si Coleen: 'kuripot ang asawa ko'








Halata namang masayang-masaya ang singer at Lunch Out Loud host na si Billy Crawford sa kanyang buhay may-asawa at nagkwento pa ito na natutuwa daw siya sa asawang si Coleen Garcia.
 
Sa isang panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), masayang binahagi ni Billy na hinahayaan niya ang asawa na i-manage ang kanilang budget, lalo pa ngayon na may anak na sila.

 
Tinanong umano si Billy kung siya ba ang namamahala ng kanilang gastusin sa bahay at natatawang sinagot ito ni Billy.
 
"Oh my god, no! Ang mga lalaki hindi puwede pagkatiwalaan sa mga pera! No!" ayon sa host
 
Sinabi din niya na isa siyang impulsive shopper, at masuwerte siya na si Coleen ang nakabantay sa kanya.
 
"Mahilig ako sa toys. I’m an impulsive person, kaya pasalamat ako sa Diyos, kuripot ang asawa ko." Aniya


Larawan mula sa Instagram


 
Ayon pa kay Billy, “kuripot” daw si Coleen at talagang inaasikaso nito ang kapakanan ng buong pamilya lalo pa ngayong mayroon na silang isang taong gulang na anak na lalaki.
 
"[Si Coleen] talaga ang, alam mo yung, 'Psst! Huwag mo bilhin iyan. Bakit mo bibilhin iyan? Kailangan natin pang ganito para kay Amari!' [Ako naman], 'Tama ka, love!' Mga ganun, di ba?*
 
"You need that balance in your life, e. And Coleen does that for me. She budgets things very, very well."
Ayon pa sa dating child star
 
Ipinagmamalaki din ng mang-aawit na si Coleen ay hindi talaga mahilig sa mga branded na bagay, ngunit classy pa rin ito.
 
"Kilala mo naman si Coleen, di ba? Hindi naman siya ma-brand na tao, hindi siya ano, she’s a very simple simple woman. And pero, may class at may taste." Ani Billy


Larawan mula sa Manila Bulletin


 
At hangga’t maaari daw ay sinisiguro nilang mag asawa na hindi nila pag-aawayan ang pera at hindi dapat umano iniidolo ang pera.
 
"Money is so evil na gusto ng mga tao na magpatayan dahil sa pera. And the only way to survive is to have money.

 
"Ayokong pananaw [iyan], hindi ko ina-idol ang pera. Ang Diyos ang iniidolo ko. At darating at darating ang pera, as long as you work hard for it. Yun lang."
ayon pa sa singer-host