Batang Walang Pambili ng Movie Ticket ng 'One Piece', Kumurot sa Puso ng isang Netizen! - The Daily Sentry


Batang Walang Pambili ng Movie Ticket ng 'One Piece', Kumurot sa Puso ng isang Netizen!



Photo credit to Carla Nicole | Facebook

Sadyang kahanga-hangang makabasa at makapanood ng mga kwento ng Good Samaritans, mga taong may mabubuting puso na laging handang tumulong sa iba lalo na sa mga nangangailangan.

Sa kanilang simpleng pagtulong sa kapwa ay marami ang nabibigyan nila ng inspirasyon at paniniwala na ang kabutihan ay patuloy pa rin na umiiral sa panahon ngayon.

Tulad na lamang ng isang kwento mula sa isang netizen na tunay na kumurot sa puso at umani ng paghanga nang nakararami ng kanyang ibahagi sa social media ang isang di pangkaraniwang pangyayaring naganap sa kanya at sa isang bata ng makasabay niya ito sa isang sinehan sa Cagayan De Oro City.



Photo credit to Carla Nicole | Facebook

Kwento ng netizen at good samaritan na si Carla Nicole, isang bata na hindi niya kilala ang lumapit sa kanya habang nakapila siya sa bilihan ng movie ticket sa SM Uptown para sa movie na 'One Piece', isang Japanese animated fantasy action-adventure film. 

Photo credit to Sportskeeda

Tinanong siya diumano nito kung magkano ang ticket sa palabas at nang sinabi ni Carla ang presyo nitong 400 per ticket ay nagulat ang bata at kitang-kita na nalungkot siya at nadismaya.

Nagtaka rin si Carla na hindi na ito umalis sa kanyang tabi at ilang sandali muli ay nagtanong raw ito sa kanya kung may mas murang ticket na pwedeng bilhin.

"This young lady approached me to and asked how much po ang ticket so I responded po na 400 so pag sabi ko sa price she was shocked tas tumahimik but she never leave my side so deadma lang ako baka na curious lang sa movie kasi anime so couple of minutes she grabbed my shorts and asked ‘Ate wala po bang mas mura na ticket?", kwento ni Carla.

Doon ay kinurot ang puso ni Carla kaya naman nagdesisyon siya na ilibre at bilhan na lamang ang bata ng ticket dahil kitang-kita niya diumano na gustong-gusto ng bata na panoorin ang naturang movie.
 
"Upon hearing what she said na antig puso ko so i asked her if she wanted to watch the movie and she said yes so i decided to buy her ticket agad kasi baka maubosan ng seat", kwento niya.


Photo credit to Carla Nicole | Facebook

Sobrang naantig diumano ang damdamin ni Carla ng makita niya sa mukha ng bata ang sobrang tuwa at kagalakan ng makapasok na sila sa sinehan at sabay nanood ng 'One Piece'. Magkalapit lang din ang kanilang upuan, ayon kay Carla.

"She was so happy and excited good thing my seats available pa so sabay kami naka panuod ng one piece movie and magkalapit lang yung chair namin," aniya.

Photo credit to Carla Nicole | Facebook

Narito ang buong post ni Carla:

"This girl approached me while nag line mi since the movie is about to start, she approached and asked me if how much ang ticket and so told her na 400 pesos and she was shocked and na hilom but never leave my side, couple of minutes she approached me again ”ate walay barato na ticket ana?” Gi kumot jud akong dughan i know she really wanted to watch the movie One Piece Red so i decided to buy her ticket nalang para maka watch sad sya.  Enjoy Baby girl I hope I made you happy."



"𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗿𝗲𝗰𝗲𝗶𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗶𝗺𝗲𝘀; 𝗶𝘁 𝗶𝘀 𝗮 𝗰𝗼𝗺𝗯𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗯𝗲𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗮𝗻𝗸𝗳𝘂𝗹 𝗳𝗼𝗿 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮𝘀 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗼𝘀𝗲 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀 𝘄𝗵𝗼 𝗻𝗲𝗲𝗱 𝗮 𝗹𝗶𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗳𝗿𝗮𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝗵𝗮𝘃𝗲. "