Halos lahat ng mga kababaihan ay walang ibang hangad kundi maikasal at makasama sa pagtanda ang lalaking kanilang pinakamamahal. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay itinadhanang maging ganoon ang kapalaran.
Para sa isang babae na umaasang malapit na dumating ang araw na kanyang pinakahihintay, kung saan dadalhin sya sa altar ng kanyang lalaking pinakamamahal, wala nang mas sasakit pa sa pagiging engage subalit ilang buwan na lang bago kayo ikasal, ay bigla mong malalaman na pinagtataksilan ka pala ng lalaking inaasam mong makaisang dibdib.
Ito ang nakakalungkot na sinapit ng isang babae mula sa kanyang yumaong ex-boyfriend na muntik pa umano nyang pakasalan.
Ang sana’y matamis na pagsasama ay nauwi sa tila isang malaking bangungot para sa pinay na ito dulot ng kanyang masaklap at mapait na karanasan. Subalit makaraan ang isang taon matapos syang iwang luhaan, sumakabilang buhay ang lalaking nanloko sa kanya.
Pagbabahagi sa social media ng babaeng tumangging mapangalanan, bagong engage pa lamang sila noon ng dati nyang nobyo nang magdesisyon silang sabay na kumuha ng life insurance policy. Ito ang dahilan kaya sila rin ang beneficiary ng isa’t-isa.
Ngunit anim na buwan bago ang itinakdang araw ng kanilang kasal, nalaman nyang pinagtataksilan raw pala sya ng kanyang lalaking pakakasalan.
Nagmakaawa umano sya sa kabit ng dati nyang boyfriend na layuan na nito ang lalaking ilang buwan na lang ay kanya nang magiging kabiyak, ngunit hindi sila tumigil. Nagmakaawa rin daw sya sa ex-boyfriend nya ngunit bigo syang mabawi ito mula sa kabit.
Kwento ng dalaga, sinabihan lang raw sya ng lalaki na tigilan na nya sila ng kabit nya dahil hindi na raw nya sya mahal. Kaya naman dalawang buwan umano bago sila ikasal ay tuluyan na syang iniwan ng lalaki na nakarelasyon nya ng limang taon.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, yumao ang lalaki. Ang biglaan nitong pagkawala ay labis raw nyang ikinagulat.
Nalaman nya ang masamang balita matapos raw syang tawagan ng kapatid ng dati nyang nobyo, kung saan in-inform sya nito na makakatanggap raw sya ng P1,000,000.00 mula sa insurance policy ng kanyang ex.
Aniya pa sa naturang social media post, ang kabit na ipinalit sa kanya noon ng ex-boyfriend nya ay gusto raw na kunin ang pera sa kanya dahil buntis umano ito at walang trabaho. Subalit wala raw syang balak na ibigay sa babae ang pera.
Sa panahon ngayon na walang kasiguraduhan ang buhay lalo na’t may pandemya, marami ang nakapagisip-isip at napagtanto kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng ‘life insurance’.
Salungat sa de@th insurance na syang sasagot sa gastusin sa burol at libing ng yumao, ang life insurance ay magbibigay ng malaking halaga sa naiwang mahal sa buhay ng namayapang tao, o ang tinatawag na mga beneficiary. Bukod pa dito, kapag ang policy owner ay nagkaroon ng malalang sakit, ang life insurance din ay may kakayahang magbigay ng malaking halaga sa kliyente na makakatulong sa kanya sa pagpapagamot.
Narito ang nasabing post:
We were together for 5 years and just got engaged when we got life insurance policies kaya we were each other's beneficiaries. Then, six months before the wedding, he cheated on me. Pinatawad ko kase nanghihinayang ako sa 5 years and the fact that we were already engaged. Then two months before the wedding, he left me for the girl he cheated on me with.
Halos mabaliw ako. I begged him to come back, I begged the girl to let him go. She was in her early twenties and had her whole life ahead of her. I was in my thirties and felt that my ex was my last chance. Sabi lang ng ex ko tigilan ko na siya kase hindi na niya ako mahal.
That was one year ago. I changed beneficiaries along the way, and I assumed he did too. Until last week, I suddenly got the news that he died. I was shocked because it was so out of the blue. But then I was even more shocked when days later his sister called me and said that I am still the beneficiary of his insurance policy, thus I will get around a million pesos in payout.
His girlfriend, the same girl he cheated on me with, wants me to give her the money because she's pregnant with their child and is unemployed. Honestly? I don't care. I have a million pesos to my name care of my cheating boyfriend. He and this girl destroyed my life and they didn't care about me back then. Why the hell should I care about them now? Buhayin mo anak mo, hindi ko kasalanan na hindi ako pinalitan as beneficiary.