Photo credit to Genaro Ruiz Gojo Cruz | Facebook |
Kuwento ni Teacher Mecca, gusto niya raw mas makilala ang kaniyang mga estudyante sa klaseng Komunikasyon kaya sa unang araw ng pagbuubukas ng eskwela ay pinasulat niya ang mga ng ito ng kanilang pinakamalungkot na karanasan sa buhay.
Photo credit to Mecca Derla | Facebook |
Nang mabasa niya ang mga sulat ng kanyang mga mag-aaral ay hindi diumano siya makapaniwala dahil sa kabila ng pagiging masayahin at makukulit ng mga ito ay may mabigat palang pinagdadaanan.
Ani Teacher Mecca, karamihan sa kanyang mga estudyante, ang itinuturing na pinakamalungkot na karanasan o nasaksihan nila sa buhay, ay ang pag-aaway o paghihiwalay ng kanilang mga magulang at pagkakaroon ng ibang karelasyon at pamilya ng kanilang nanay o tatay.
Ani Teacher Mecca, karamihan sa kanyang mga estudyante, ang itinuturing na pinakamalungkot na karanasan o nasaksihan nila sa buhay, ay ang pag-aaway o paghihiwalay ng kanilang mga magulang at pagkakaroon ng ibang karelasyon at pamilya ng kanilang nanay o tatay.
Photo credit to Mecca Derla | Facebook |
Labis namang nadurog ang puso ng guro sa kanyang mga nabasa kaya naman kanyang ibinahagi ang kwentong iyon upang magbigay babala sa mga nais magkapamilya at mga magulang na huwag naman sana raw hayaang mangyari ito sa kanilang mga anak dahil nakakalungkot ang epekto ng isang 'broken family' sa mga bata.
Photo credit to Mecca Derla | Facebook
|
Nagbigay babala ang award-winning writer na si Genaro Ruiz Gojo Cruz kay Teacher Mecca at sa iba pang guro, sabay pakiusap sa kanila na iwasan ang pagpost sa social media ng mga output ng personal narrative ng mga mag-aaral dahil maaari raw silang makasuhan sa mga ganitong klaseng post.
Photo credit to Genaro Ruiz Gojo Cruz | Facebook |
"Pakiusap sa ilang mga guro, iwasan ang pagpopost ng mga personal na narrative na output ng inyong mga mag-aaral sa socmed. Pakiusap po. Puwede kayong balikan ng mga student at kasuhan!", post ni Cruz.
Sumang-ayon naman kay Cruz ang ilang netizens:
“Totoo po. Yung tiwala na binigay nila sa teacher, nasira dahil sa pagpo-post sa SocMed.”
“Hindi na muli magtitiwala ang mga estudyante sa teacher kapag ganiyan.”
“Humingi kaya siya ng pahintulot?”
“Yan din po naisip ko noong nakita ko post. As a teacher, hindi pwede basta-basta mag-post ng mga outputs ng mga bata.”
“Yung anak ko po Grade 1 simple handwriting output, her teacher is not allowing the parents to post it to GC. Dapat po ganun.”
***
Samantala, ayon sa ulat, sa datos ng Office of the Solicitor General (OSG), mahigit 100,000 kaso na may kinalaman sa pagsasama ng mag-asawa ang naitala noong 2009 hanggang 2021 gaya ng nullity of marriage, annulment, at legal separation. Wala pang latest update sa datos ngayong 2022.
Source: Genaro Ruiz Gojo Cruz | Facebook, Balita