Ang kaibigan ni Lea Salonga na muntik umagaw noon ng karera at katanyagan nya sa Miss Saigon - The Daily Sentry


Ang kaibigan ni Lea Salonga na muntik umagaw noon ng karera at katanyagan nya sa Miss Saigon





Ang singer-actress na si Maria Lea Carmen Imutan Salonga o mas kilala sa pangalan na Lea Salonga ay kilalang kilala sa buong mundo. Ang kanyang tagumpay sa entertainment industry ay bunga ng kanyang dedikasyon at talento sa pag-awit at pag-arte. 


MISS SAIGON SAGA


Sa dinami-rami ng kanyang malalaking proyekto, isa na marahil sa hindi malilimutan ng lahat ay ang kanyang napakahusay na pagganap sa stage musical na Miss Saigon. Ang naturang proyekto ang nagbigay-daan upang umusbong sa kasikatan ang noon ay 18-anyos pa lamang na si Lea.







Dahil sa kanyang hindi matatawarang talento, maraming pinto ang nagbukas para kay Lea na syang naging dahilan para lalo pa itong umangat sa larangan ng musika. Sunod-sunod rin ang nakamit nyang mga parangal mula sa mga prominenteng international award-giving bodies. 


LAST WOMAN STANDING


Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, ang lahat ng tagumpay na ito ay muntikan nang hindi mapasakamay ng magaling na aktres at mang-aawit dahil sa isa ring mahusay na kapwa nya pinay. Sya ang maituturing na naging tinik sa lalamunan o mahigpit na katunggali noon ni Lea sa kanyang audition para sa lead role na Kim sa Miss Saigon, bago pa man ito pinal na napasakanya. 


Sa kabila ng kanyang nakamamanghang talento, hindi naging madali para kay Lea na makuha ang malaking role na iyon sa nasabing musical play. Maraming iba pang dayuhan ang pinagpilian na gumanap sa napaka mapanghamong papel. Subalit ang pinaka naging mahigpit nyang kalaban para sa role na Kim ay isa ring pinay. 


THE ‘ALMOST’ MISS SAIGON


Kilalanin si Monique Wilson, ang babaeng muntikan nang masungkit ang role na ibinigay at nagpasikat ng husto kay Lea Salonga sa Miss Saigon. 



Si Monique ay kababata at kaibigan ni Lea. Halos sabay nagsimula, ang dalawa ay pawang mga produkto ng theater company na Repertory Philippines na nagpo-produce ng theater plays at nagte-train ng mga batang aktor para sa teatro. 






UNSPOKEN PROFESSIONAL RIVALRY


Dahil kapwa sila mahuhusay na mga batang aktor at mang-aawit noon, umugong ang mga haka-haka noon tungkol sa namumuong tensyon sa pagitan nila bunga umano ng kompetisyon. Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Monique. 






"Lea and I have been close friends since we were kids. I did my first play when I was 9 with Repertory Philippines, 'Annie,' with Lea," aniya sa isang panayam. 


AUDITION TAPES


Sa dami ng mga sumubok, tanging silang dalawa lang ang mahigpit na pinagpilian ng Miss Saigon producers. 


Sa isang file video, habang sila ay naghihintay bago ilabas ang resulta kung sino ang napili, , mapapanuod sila na kapwa ini-interview tungkol sa kanilang naging audition para sa lead role na Kim. 






Habang katabi si Monique, ibinahagi ni Lea sa interviewer ang huling sinabi sa kanila ng mga producer matapos silang parehas na sumalang sa masusing pagpiii. 


“They said there was going to be an assessment” ani Lea. 


Dagdag pa nya, napaka “vague” o malabo umano ang huling sinabi sa kanila ng producers kaya tila confused o clueless silang dalawa ni Monique sa kung sino ang mapipili. 


Makikita rin sa naturang video ang closeness ng dalawa habang nagtatawanan sa interview. 


THE CHOSEN ONE


Matapos ang matagal na pag-aantay at masusing pagpili, sa huli, na-cast si Lea bilang Kim at si Monique naman bilang si Mimi. Bukod sa main role ni Monique, naging understudy rin sya ni Lea sa papel na Kim, o ang aktres na inatasang aralin ang naturang role upang magsilbing substitute o replacement ni Lea kung kinakailangan. Kaya naman nang umalis si Lea para sa Broadway ay agad na handang ginampanan ni Monique ang papel ni Lea bilang si Kim. 



Napabilib ang buong mundo sa talentong ipinamalas ni Lea sa Miss Saigon, ngunit para sa ilan, mas napahanga at mas nagustuhan nila ang pagganap ni Monique bilang Kim noong umalis na si Lea. 




Gayunpaman, pawang nagdala ng karangalan sa bansa ang dalawa dahil parehas nilang mahusay na kinatawan ang Pilipinas noon sa larangan ng teatro.