Photo credit to ABS-CBN News |
Matatandaan na ang unang generation ng iPhone ay inilabas noong Enero 9, 2007 ng noon ay CEO nilang si Steve Jobs. At magmula noon ay taun-taon ng naglalabas ang Apple Inc. ng mga bagong modelo ng iPhone at mga update sa iOS nito.
Kaya naman sa tuwing maglalabas ng bagong modelo ang naturang kumpanya ay talaga namang pinipilahan at pinagkakaguluhan ito ng mga iPhone users at fanatics, tulad na lamang nang inilunsad noong Biyernes ng gabi ang pinaka bagong modelo nitong iPhone 14.
Photo credit to Astig Ph |
Napabalitang nasa ilang daang katao ang pumila at matiyagang nag-antay sa labas ng Power Mac Center (PMC) sa Greenbelt 3 Mall Makati. Mayroon pa nga diumanong mga nagpalipas ng gabi sa pila upang mapabilang sa mga unang makakakuha ng pinakabagong Apple phone.
Photo credit to Astig Ph |
Sinasabi namang nagsisimula sa P61,000 ang presyo ng bagong iPhone 14, kaya karamihan sa unang bibili nito ay yung mga makaka-'afford' lamang, nakaluluwag sa buhay at sumasahod ng malaki.
Ngunit laking gulat ng nakararami na ang nasa unahan ng pila at nakapag may-ari ng kauna-unahang iPhone 14 ay isang simpleng mangagawa lamang na kinailangan pa diumanong magtipid ng ilang taon upang mapag-ipunan ang pangbili nito.
Siya ay si Joey Reyes, isang sale staff sa isang mall sa Maynila na talaga namang nagtrending online dahil sa paghanga ng mga netizens sa pagpupursige nitong makuha "Ang Pangarap na iPhone'.

Photo credit to ABS-CBN |
Kwento ni Joey, tiniis niya raw talaga ang sarili para makabili ng bagong iPhone. Sobra raw talaga ang ginawa niyang pagtitipid na kahit ulam ay hinihingi na lamang niya sa kanyang mga katrabaho. Iwas pamasahe na rin kaya nakikiangkas na lamang siya paminsan.
"Sales lang ako. Pangarap ko maka iPhone. Tiniis ko po budget budget para makabili bago. Kasi love ko talaga," ani Joey.
"Tipid talaga: pagkain, pamasahe, at gastusin. 'Yung mga kaibigan sa trabaho nanghihingi lang ako ulam. 'Yung pang bili ng ulam nilalagay ko sa alkansya ko. Minsan nakiki-angkas sa katrabaho. Nag-ambag din ibang kaibigan ko." dagdag pa niya.

Inamin rin ni Joey na ito ang kanyang pangalawang pagkakataon na makabili ng pangarap na iPhone. Noong 2019, siya rin ang kauna-unahang bumili ng iPhone 11 ngunit minalas na nahablot raw ito at nawala sa kanya.
"Yung cellphone ko 'yung una iPhone 11 nanakaw ... pauwi na ko malakas ulan. 'Di ko namalayan yung celphone ko nahablot na pala,", pag-alala ni Joey.
Kaya naman ilang taon raw siyang nag-ipon upang makabili muli nito dahilan kung bakit siya nagpumilit mauna sa pila na umabot sa 41 oras na paghihintay.
"Challenge sa madaling araw mainit at malamok. Mahirap 'yung tulugan na. Di naman pwede magdala kumot. Para makatulog ka maayos, nagdala ko ng carton. Pero sulit … the best kasi iPhone 14 worth it. Magagamit ko 'yan sa trabaho.", masayang kwento ni Joey.
Gayunman, nilinaw ni Joey na hindi lamang niya tiniis ang init at lamok dahil sa pagnanais na maunang magkaroon ng iPhone 14. May mga 'freebies' raw kasi kapag isa ka sa mga unang 50 customers na makakabili.

"Pag una ka sa pila May surprise ka. 'Di ko pa alam laman, pero may freebies," paliwanag niya.
Ayon sa balita, Si Joey, kasama ang unang 50 customer, ay nabigyan ng P28,000 halaga ng mga accessories mula sa ilang partner brand ng PMC. Samantala, ang ika-51 hanggang ika-150 customer ay nabigyan ng P14,000 halaga ng freebies.
Nagbigay din ang iPhone store ng P10,000 halaga ng freebies sa sumunod na 100 customer, habang P5,000 na halaga ng goods naman ang napagkaloob sa ika-251 hanggang 500 na customer.
Kaya ayon kay Joey na isang Apple enthusiast, malaki raw ang maitutulong ng promo na kanyang nakuha upang makabawas rin sa kanyang ginastos na pangbili rito.
"Hahatiin ko. Bebenta ko iba sa kaibigan ko or ka trabaho o kakilala. Para makabawi," aniya.
Source: ABS-CBN