Tunay ngang wala sa estado ng buhay ang makakahadlang sa taong may matayog na pangarap para makapag-aral, ito'y kahit pa alam mong suntok sa buwan ang posibilidad na mangyari ang ninanais mong tagumpay dahil sa kahirapan at kawalan, hanggat buo ang loob mong abutin ito magugulat ka nalang abot kamay mo na pala ang panalo.
Patunay dito ang nakakaantig damdamamin at nakaka-inspire na kwento ng isang ama at tricycle driver na si Gerome Cuano, kung saan aminadong hanggang sulyap lang siya noon sa isang unibersidad na pinapangarap niyang makapag-aral habang bumabyahe.
Bilang responsabling ama sa dalawa niyang babaeng anak, walang tigil siyang namamasada upang punan ang pangangailangan ng pamilya, ngunit hindi niya maitago sa sarili ang matinding pagnanais na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
"Way back 2017-18 nung madalas ako makapag hated ng student dito halos ramdam ko lagi yung inggit kase sila nakakapag aral, ako may anak na malabo ng matupad pangarap ko,"
Alam niyang mahirap para sa kanya ang makapag-aral muli dahil may mga anak na siyang kailangang unahin, kaya't sa labis na kagustuhan niyang makaranas noon kung ano ang itsura sa loob ng paaralan at maranasan man lang ang pakiramdam makapasok sa pangarap niyang unibersidad ay nakikiusap siya sa mga guards ngunit nabigo siya.
"Kada maka hatid ako sa paaralan na ito sumisilip ako lagi sa gate nayan lagi ko iniimagine ano kayang itsura sa loob nyan😅 Malaki ba maganda ba Sarap siguro mag aral jan sana balang araw maka pasok din ako jan,"
Hinatak siya ng kanyang kalooban na kailangan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral, kaya mula sa araw na buo na ang desisyon niya, dinoble pa niya ang pagsisikap sa pamamasada upang may dagdag kita pang matrikula.
"Simula non nag ipon ako, lalo akong nag sumikap halos sa tricycle nako matulog maka ipon lang at nung naka ipon nako ready nako diko hinadlangan ang mga tattoo ko sa katawan sa gusto kong kurso basta ang goal ko makapag aral ako,"
Sa mga araw at taon na puno marahil ng mga pagsubok sa kung noo'y hanggang sulyap lang siya, ngayo'y kaunting hakbanfg nalang para sa inaasam-asam na tagumpay.
"Kahit 4years akong stop sa pag aaral Kaya ngayon 2022 na Syempre 4rth year nako🙌 Graduating na malapit ko ng matupad pangarap ko at syempre sarap sa pakiramdam na naka pasok ako sa paaralan nato☺️🙏 #OLFU❤️,"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Way back 2017-18 nung madalas ako makapag hated ng student dito halos ramdam ko lagi yung inggit kase sila nakakapag aral,
Ako may anak na malabo ng matupad pangarap ko halos kada maka hatid ako sa paaralan na ito sumisilip ako lagi sa gate nayan lagi ko iniimagine ano kayang itsura sa loob nyan😅 Malaki ba maganda ba Sarap siguro mag aral jan sana balang araw maka pasok din ako jan.
One time naki usap ako sa guard sabi ko baka kako pwede pumasok kahit ilang hakbang lang gusto ko lang makita yung loob kaso sabi ng guard need daw ng ID e License ID lang meron ako HAHAHA,
Kaya one day nakapag isip isip ako what if try kong mag enrol nang maka pasok naman ako sa paaralang university Kaya simula non nag ipon ako lalo akong nag sumikap halos sa tricycle nako matulog maka ipon lang at nung naka ipon nako ready nako diko hinadlangan ang mga tattoo ko sa katawan sa gusto kong kurso basta ang goal ko makapag aral ako
then 2019 sinama ko nanay ko mag eenrol na nga kame jan sa paaralan nayan ang alam nya napa away nanaman ako kase yun ang reason ko para umuwi siya at para isuprise kase that time nasa malayong lugar siya, sakto pag enroll ko 1st college agad nung pumasok ako buti hindi nako naabutan ng Grade 11 at 12,
Kahit 4years akong stop sa pag aaral Kaya ngayon 2022 na Syempre 4rth year nako🙌 Graduating na malapit ko ng matupad pangarap ko at syempre sarap sa pakiramdam na naka pasok ako sa paaralan nato☺️🙏 #OLFU❤️
#Proud two baby ghorl👩❤️👩
#BSCriminology 👮🏻♂️
#OJT👮🏻♂️
***
Source: Gerome Cuano
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!