Lahat ng magulang ay ninanais na mapalaki ng mabuti at mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Kung minsan ay hindi sinasadyang mapagsalitaan ng mga hindi kanais-nais na salita ang mga bata kapag hindi ito kaagad sumusunod.
Nagiging strikto upang masiguro na lumaking tama at may disiplina ang kanilang mga anak.
Pero hanggang saan nga ba ang mga pangaral na kaya nilang tanggapin? Mga salitang kayang intindihin? Ano ba ang kanilang nararamdaman sa tuwing sila'y napagsasabihan?
Ito ang mga katanungan nabigyan ng kasagutan matapos ibahagi ng isang ina ang natagpuang liham sa tabi ng kanyang natutulog ng mahimbing na anak.
Mahilig raw talagang bumati ng "good morning" at magbigay ng notes ang batang si Sab. Isang malambing at maaalahanin na anak.
Blyte Vivien Glomar | Facebook
Blyte Vivien Glomar | Facebook
Marunong mag-sorry at tumanggap na kamalian, pero isang araw ay laking gulat ng inang si Vivien Glomar ng pag-gising nito ay bumungad sa kanya ang nakakadurog ng pusong liham ni Sab.
"mami and dadi sorry Po kasi hindi Po ako matalino"
"Good morning I love you"
Dahil sa nakita ay hindi na napigilan pa ni Vivien na maiyak sa liham ng anak. "Nadurog ang puso ko umagang umaga umiiyak ako" anito sa kanyang post.
Blyte Vivien Glomar | Facebook
Blyte Vivien Glomar | Facebook
Sabay hingi ng patawad sa anak nito. "Sorry anak ko kung iniisip mo na hindi ka magaling sa paningin namin ng daddy mo (sad) Mahal na mahal ka namin"
Hindi na rin napigilang mahabag ng mga netizens na nakakita sa post ni Vivien dahil sa mga salitang binitawan ng anak nito.
Ayon sa mga komento, mabuti na marunong magpahayag ng damdamin ang bata sa murang edad pa lang. Mas madali daw makausap at masolusyonan ang problema kapag ganito ang pag uugali ng bata.
Blyte Vivien Glomar | Facebook
Nagbahagi rin ang ilan na wala naman daw talagang perpektong magulang. Palagi lang daw iwasan ang mataas na ekspektasyon sa mga bata lalo na sa mga nag uumpisa palang mag-aral.
Payo rin na huwag ikumpara ang mga anak sa ibang mga bata upang hindi bumaba ang kanilang self-esteem.
Source: Blyte Vivien Glomar | Facebook