Sa mahigit 4 na dekada sa industriya ng direktor at artistang si Michael de Mesa o Michael Edward Gil Eigenman sa tunay na buhay ay hindi na nga nakapagtatakang malaki-laki na rin ang naipundar nito.
Bukod sa matagumpay na karera nito sa showbiz ay naging makulay rin ang buhay sa likod ng kamera ni "Manager"(karakter ni Michael sa Ang Probinsyano).
16 taong gulang pa lang ito nang magsimulang pasukin ang showbiz, una siyang nakita sa pelikulang "Araw-araw Gabi-gabi" kasama si Charito Solis at ang unang asawa nito na si Gina Alajar.
Nasa dugo na nito ang pagiging isang artista dahil sa kanyang mga magulang. Ang ama niya na si Eddie Mesa ay isang actor at mang-aawit habang ang ina naman nito na si Rosemarie Gil ay isa ring aktres.
Michael de Mesa | Facebook
Michael de Mesa | Facebook
Kaya pati ang mga namayapang kapatid nito na si Mark Gil at Cherry Gil ay nakilala rin bilang mga beterano at beteranang mga aktor sa showbiz.
Hanggang sa kanyang mga anak na sina AJ, Ryan at Geoff Eigenman ay sikat ring mga aktor.
Nakakahanga kung tutuusin na halos buong angkan nila ay may mga talento at likas na mga artistahin talaga. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay ang matinding pagsubok na pinagdaanan ni Michael de Mesa sa likod ng kamera.
Michael de Mesa | Facebook
Michael de Mesa | Facebook
Matapos ang kanyang relasyon kay Gina Alajar ay nagkaroon si Michael ng pangalawang pagkakataon para umibig at ito ay sa katauhan ng dancer/choreographer ng 'Hotlegs' na si Julie Reyes.
Bagamat mas bata ito ng 13 taon sa kanya ay malaki ang pasasalamat ni Michael sa pagmamahal at pag-aaruga sa kanya ng asawang si Julie.
Taong 1990 kasi ng magkaroon ito ng Hepa C na siyang pinag ugatan ng sakit na ikinamatay ng kanyang kapatid na si Mark Gil.
Michael de Mesa | Facebook
Michael de Mesa | Facebook
Dahil sa lubos na pagmamahal at pag-aalala ay itinuon ni Julie ang kanyang oras sa pagsasaliksik hanggang sa mahanap nito ang lunas sa sakit at tapusin ang paghihirap noon ni Michael.
Tuluyan na itong gumaling at tinatamasa ngayon ang mas masaya at healthy lifestyle kasama ang misis na si Julie. Dahil dito ay tiyak na madadagdagan pa ang kanyang kontribusyon sa industriya ng showbiz.
Michael de Mesa | Facebook
Michael de Mesa | Facebook
Bukod sa malusog na pangangatawan ay busog na busog din daw sa kayaman sina Michael de Mesa. Tinatayang nasa 1.5 Million Dollars daw ang net worth nito o 75 Million pesos.
Tulad ng kanyang mga kasamahan sa industriya, mahilig din sa motorsiklo si Manager at hindi basta basta ang halaga nito.
Ang kanyang Vespa GTS 300 Supertech Overview ay 408,000 pesos ang halaga. Habang ang isa naman niyang motorsiklo na Triumph Street Scrambler ay 795,000 pesos ang presyo.
Michael de Mesa | Facebook
Michael de Mesa | Facebook
Source: Kuya Kiy | YouTube