Sino nga ba si Pepsi Paloma at Bakit buhay pa rin siya sa Alaala ng publiko kahit 37 taon na matapos pumanaw? - The Daily Sentry


Sino nga ba si Pepsi Paloma at Bakit buhay pa rin siya sa Alaala ng publiko kahit 37 taon na matapos pumanaw?



Photo credit to Pep.Ph

Ngayong taon ang ika-37 anibersaryo ng pagkamatay ng kontrobersyal na sexy star na si Pepsi Paloma. Matatandaang winakasan ni Pepsi ang sariling buhay noong Mayo 31, 1985 sa pamamagitan ng pagbibigti sa apartment na inuupahan nito sa Quezon City. 18 years old lamang noon si Pepsi.

Ngunit bakit tila yata hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang ang pagpanaw ng aktres at hindi matapos ang usapin ng dahilan diumano ng pagkitil niya sa sariling buhay.



Photo credit to Pep.Ph

Isang malapit na kaibigan at dating leading man ni Pepsi ang sinasabing nakasaksi sa buhay ng aktres mula sa pagsisimula nito sa showbiz hanggang sa pagpanaw nito. Siya ay ang dating aktor na si Gil Guerrero, na ngayon ay 64-anyos na.

Photo credit to Pep.Ph

Kwento ni Gil, sila ay kapwa discoveries ng talent manager at optometrist na si Dr. Rey Dela Cruz. Nadiskubre ni Rey si Pepsi sa Sariling Atin, isang sikat na beerhouse noon sa Quiapo, Manila.

Ang tunay na pangalan raw ni Pepsi ay Delia Smith at katorse lamang siya nang magsimula ang career sa showbiz kaya naman neneng-nene ang ugali at mga kilos nito.

Ani Gil, childish man ay masayahin, nakakatuwa at mabait si Pepsi lalo na sa mga kapatid nito. Pero sa likod daw ng pagiging masayahin ni Pepsi ay may malalim na lungkot dahil diumano sa hindi magandang ugali ng ina nito at lumaki raw talaga siya sa hirap sa kanilang bahay-kubo sa bukid sa Olongapo. Kulang rin daw ito ng pagmamahal mula sa mga magulang.

Nasa ibang bansa raw si Gil nang kanyang mabalitaan ang malungkot na pagpanaw ni Pepsi. Lumabas diumano sa mga pahayagan na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.



Photo credit to Pep.Ph

Ngunit bago mawala ang batang aktres ay nangyari ang sinasabing pinakamatinding dagok sa buhay nito at ayun nga ay ang napabalitang pinagsamantalahan diumano ito ng mga sikat na komendyanteng sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsey kaya nagsampa sila ng kaso laban sa tatlong nabanggit.

Ngunit sa hindi alam na kadahilanan ni Gil ay bigla na lamang raw nawala ang kaso at iginiit na noon ay Senator na si Tito Sotto na gimik lamang ng manager na si Rey ang kaso ni Pepsi noong 1982.
 
Photo credit to Pep.Ph

Kilala raw kasi ang manager na si Rey Dela Cruz sa paggawa ng gimik para mapag-usapan at umingay ang pangalan ng kanyang mga alaga. Napabalitang pumanaw rin ito noong 1999 at pinaslang sa Quiapo, Maynila.

Hanggang ngayon, sinasabing hindi pa rin nakakalimutan ng publiko ang nangyari kay Pepsi. Marami rin ang nagpapakita ng kakaibang interes sa kuwento ng kanyang buhay dahil diumano sa isang kantang inilabas ng sikat na bandang Eraserheads na pinamagatang 'Spoliarium'.

Photo credit to YouTube

Sa kantang ito raw kasi ay may pahiwatig ng tunay na nangyari sa batang sexy star ng gabing sinasabing hinalay at pinagsamantalahan ito.

Ngunit pinabulaanan na ang sabi-sabi o 'myth' na ito ng mismong lead vocals ng banda na si Ely Buendia at sinabing walang katotohanan at pawang haka-haka lamang ang ipinakalat na kwentong iyon na hindi rin nila alam kung paano at saan nagsimula.



SourcePep.Ph