Marahil ay marami pa rin ang nakakaalala sa yumaong sexy actress na si Halina Perez o Vanessa May Ann Uri sa tunay na buhay na maagang yumao sa edad na 22, dahil sa isang aksidente sa daan noong Marso 4, 2004.
Sikat na sikat na sana noon si Halina at nakatakda pa lang na ipalabas ang kanyang pelikula bago mangyari ang sakuna.
Ngunit sino nga ba si Halina sa totoong buhay at sa likod ng kamera?
Isang artikulo sa Philippine Star na nilathala noong March 6, 2004 na sinulat ng batikang kolumnista na si Butch Francisco ang nagbigay daan para makikilala ng publiko si Halina.
Ayon kay Butch, nagkaroon umano siya ng pagkakataon na makausap si Halina dahil ito ay naimbitahan para sa isang episode ng Startalk. At sa kanyang pagkakaalala sa aktres, napaka mahiyain daw nito at talagang napaka-ganda.
"As soon as I got inside the vehicle, I saw for the first time how Halina looked like. Whoever thought of naming her Halina couldn’t have chosen a better name – I said to myself. Truly, her face was what you’d call in the vernacular as kahali-halina. Hers was one of the most beautiful Asian faces I’ve ever seen." Ayon sa salaysay ni Butch sa kanyang artikulo
"My first impression of her was that she was painfully withdrawn and shy." Dagdag pa ng kolumnista
Dahil nag stopover para magkape patungo sa Laguna Provincial Jail kung saan naka-piit ang ama ni Halina, para sa reconciliation episode ng mag-ama ay naka-kwentuhan ni Butch si Halina sa unang pagkakataon.
Ayon dito, nang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay apat na taon pa lamang ay naghati ang mga ito sa kustodiya nila ng kapatid at siya ay napunta sa kanyang ama.
Wala daw itong permanenteng hanap-buhay at hindi siya kayang tustusan. Kalaunan pa ay nagkaroon din ito ng bagong kinakasama.
Nang maging malinaw na hindi siya kayang suportahan ng kanyang ama, kinuha daw siya ng kanyang lola at ito na ang nagpaaral sa kanya na dating school teacher.
At ang kanyang ina naman ay nagkaroon ng din ng ibang pamilya at dalawang anak sa bagong asawa. Gayunpaman, buong puso daw siya nitong tinanggap nang siya ay umalis sa poder ng kanyang lola, dala na rin daw ng sobrang higpit nito sa kanya.
Ngunit, tila himala daw na nagkabalikan pa ang kanyang mga magulang at nagkaroon pa nga ng isang anak na lalaki.
Nagkaroon man ng pagkakataong mabuo muli ang pamilya ay muli itong sinubok at sa ikalawang pagkakataon ay naghiwalay muli ang mag-asawa.
Nasangkot din sa iba't-ibang gulo ang tatay ni Halina at nakulong ito, nakalaya matapos ang ilang buwan ngunit mula na namang bumalik sa rehas dahil sa mas mabigat na kaso.
Kabado daw noon si Halina habang papalapit na provincial jail kung nasaan ang ama at nais pa ngang mag-backout at bumalik nalang sa Maynila, ngunit huli na.
Matapos huminga ng malalim ay lakas loob itong lumabas ng sasakyan patungo sa amang naghihintay na din sa kanya.
Dalawang taon na ang nakakalipas nang huli silang magkita na mag-ama kaya naman ang pagkikita nila ay nagpaluha sa mga taong naroon nang araw na iyon. Ayon pa sa ama ni Halina, matagal na niyang napatawad ang kanyang anak. Sa katunayan nga ay proud siya sa nakamit na katanyagan ng anak.
Ani Butch, bumili pa siya ng buco pie noon para kay Halina pagbalik nila ng Manila at panay pa ang pasasalamat ng mahiyaing aktres sa kanya.
Sinabi pa daw niya kay Halina na huwag siyang kakalimutan nito pag ito ay sikat na sikat na. At matapos nga ang ilang taon ay namayagpag ang pangalan ni Halina. Ngunit hindi rin ito nagtagal matapos ang malagim na aksidente.
Ayon pa kay Butch habang sinusulat ang kanyang artikulo, nagpapalano siyang bumalik ng Laguna upang magbigay ng huling paalam kay Halina, ngunit malungko na byahe na sa pagkakataong ito, dahil wala na siyang bibigyan ng buco pie.
Binawian ng buhay si Halina dahil sa matinding pinsala sa ulo matapos na mabangga ang kanyang van sa isang trailer truck umaga ng Marso 4, 2004.