Sa isang vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, tila sinabi nitong hindi na raw umano suot-suot ng aktres na si Heart Evangelista ang wedding ring nito.
Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero / Photo credit to the owner
Ito ang naging espekulasyon ni Ogie matapos ang balitang hiwalay na ang aktres sa asawang si Senator Chiz Escudero.
Sa latest vlog ni Ogie ay nakasama niya si Mama Loi at sinabi nitong napansin niyang malalalim at tila may pinaghuhugutan ang mga bagong vlogs at Instagram post ni Heart.
“Parang about life, about finding yourself…” sabi ni Mama Loi.
Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero / Photo credit to the owner
Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero / Photo credit to the owner
“Tapos wala pang ano… tapos nawala ba ‘yung singsing niya?” dagdag naman ni Ogie.
Hindi naman daw ito napansin ni Mama Loi ngunit sabi ni Ogie, “Parang ‘di na sinusuot ‘yung singing.”
Kinumpirma pa ni Mama Loi kung ang wedding ring ba ang tinutukoy ni Ogie.
“Oo, correct,” sagot ng talent manager.
Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero / Photo credit to the owner
Mama Loi and Ogie Diaz / Photo credit to the owner
Dagdag pa niya, hindi na rin daw nakikita si Chiz sa mga vlogs ni Heart.
“‘Di ba minsan na-vi-viral pa ‘yan dahil nga sumingit lagi si Chiz,” sabi ni Ogie.
Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa hiwalayan nina Heart at Chiz matapos aminin ng aktres na marami siyang pinagdadaanan ngayon sa buhay.
“I’m not going to lie — I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind,” sabi nito sa kanyang vlog noong September 2.
Heart Evangelista / Photo credit to the owner
“I’m not going to deny, I’ve been going through some personal struggles like I feel a lot of pressure in my life, and basically now, I’m really in a search [of] just being happy,” dagdag ni Heart.
“It’s about the simplest things in life that are very important and that really makes a person happy — that’s where I’m at now. I feel like at the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life and not rely on anyone that matters,” sabi pa ng aktres.
Ang rebelasyon na ito ni Heart ay nagsimula nang mapansin ng mga netizens ang pagpalit nito ng kanyang biography sa Instagram mula “Love Marie Ongpauco Escudero” to “Love Marie.”
Dito rin nagsimula ang usap-usapang naghiwalay o may problema ang dalawa.
Samantala, sa ngayon ay tahimik at wala pang pahayag si Senator Escudero patungkol sa isyu.
***
Source: Philstar