Sa edad na 70-anyos! Isang ginang sa India, nagsilang ng kanyang panganay na anak! - The Daily Sentry


Sa edad na 70-anyos! Isang ginang sa India, nagsilang ng kanyang panganay na anak!



Ang pagkakaroon ng anak ang isa sa mga maituturing na pinakahihiling ng mag-asawa.  Isa di umano itong batayan upang sa ganun ay maging buo ang isang pagsasama at matawag na pamilya.

Isang biyaya na papawi sa iyong pagod at magsisilbing dahilan para mas tumibay pa ang samahan ng mga mag asawa.




Sa India, isang 70 anyos na ginang ang nagsilang ng malusog na sanggol na lalake.

Ito ang pangyayaring gumulat sa marami na tila ba isang himala na para sa mag-asawang parehong nasa edad sitenta na sina Jivunben Rabari(70) at mister na si Maldhari 75 taon gulang.

Hindi na kasi normal at bihira na sa mga ganitong edad na magkaroon pa ng anak.

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos


Delikado na rin kasi ito kung tutuusin dahil baka hindi na kayanin pa Jivunben ang hirap ng panganganak.

Pero desidido ang mag-asawa na 45 years ng kasal. Sa tagal ng kanilang pagsasamang ito ay hindi nawala ang kanilang pag-asa na magkaroon ng anak.

Dahil sa kagustuhang ito ay isang malaking hakbang ang kanilang ginawa. Sa tulong ng In Vitro Fertilization o IVF ay nabuntis si Jivunben at naging posible ang kanilang hinahangad.

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos


Ito ay isang proseso kung saan tinatanggal ang egg cell ng babae mula sa obaryo at pine-fertilize ito gamit ang semilya ng lalaki sa laboratoryo.

Bihira ang ganitong pangyayari kaya ganun na lang ang tuwa ng mag-asawa.

Sa una ay hindi pabor sa desisyon ng mag-asawa ang tumulong na doktor na si Dr. Naresh Bhanushali. Dahil ito sa kapahamakang maaaring idulot sa magdadalang tao, ngunit buo na ang pasya ng mag-asawa.

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos


"When they first came to us, we told them that they couldn't have a child at such an old age, but they insisted. They said that many of their family members did it as well. This is one of the rarest cases I have ever seen!"

Matagumpay ang proseso at ligtas ang ina ganun din naman ang isinilang niyang sanggol.

Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil sa biyayang natanggap. Tunay na hindi pa huli ang lahat upang sila'y maging isang masayang pamilya. Sulit na sulit ang paghihintay.

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos

Jivunben Rabari | Facebook Public Photos