Photo credit to Ruth Arigue MD | Tiktok |
Bakit nga kaya sinasabing mahirap raw spelingin o basahin ang sulat ng mga doktor? Madalas raw ang kanilang mga reseta ay hindi maintindihan at tanging mga pharmasist lamang ang nakaka-gets.
Ayon sa mga doktor, sa matinding pagod at pagmamadali kaya madalas na hindi maayos ang kanilang pagsulat. Depensa naman nila na kahit parang 'kinahig ng manok' ang kanilang sulat ay 100% naman ang serbisyong ibinibigay nila sa kanilang pasyente.
Photo credit to Reddit |
Kaya naman isang doktor ang talaga namang bumida dahil sa pagkakaiba ng sulat nito kumpara sa iba. 'Calligraphy Style' raw kasi ang pagkakasulat nito sa kanyang mga reseta na talaga namang hinangaan ng kanyang mga pasyente at netizens.
Siya ay si Doc Ruth Arigue, 46-anyos na OB-Gyn ultrasound specialist. Bata pa raw si Doc Ruth ay best in penmanship na raw siya. Kaya naman ang kanyang mga reseta, mala-wedding invitation ang pagkakasulat.
Siya ay si Doc Ruth Arigue, 46-anyos na OB-Gyn ultrasound specialist. Bata pa raw si Doc Ruth ay best in penmanship na raw siya. Kaya naman ang kanyang mga reseta, mala-wedding invitation ang pagkakasulat.
Photo credit to Ruth Arigue MD | Tiktok |
Ani Doc Ruth, pagnagsimula na raw siyang magsulat sa reseta, napapansin niya na nakangiti ang kanyang mga pasyente habang nakatitig sa kanyang sulat.
Napakaganda kasi at talaga namang napaka-decorative nito at tiyak na hindi mahihirapan ang pharmasist na intindihin ang reseta, gayon din ang pasyente sa pagsunod sa instructions ng pag-inom ng gamot.

Bukod sa kakaibang sulat ni Doc Ruth, sinasabing may pagkamillenial feels din siya dahil isa rin siya diumanong 'Tiktokerist'. Sa tiktok raw niya kasi ibinibida ang kanyang 'state of the art' na mga reseta at 'doctor's orders'.
Photo credit to Ruth Arigue MD | Tiktok |
Hilig niya raw kasing mag-upload ng mga videos at sa lahat ng kanyang inupload ay itong kanyang sulat kamay ang talagang nag-trend.
***
Samantala ayon sa handwriting experts o graphologist na si Ms. Jennifer Guasis, ang tao raw na maganda ang penmanship ay isang very organize at artistic person. Payo niya, kailangan raw na maging 'mindful' ang mga doktor na dapat ay readable ang kanilang sulat sa reseta dahil maaaring mapangiti o mapakunot ang noo ng sino mang bumabasa nito.
Ngunit maganda man o hindi ang sulat sa ating mga reseta, ang mahalaga ay dito nakasaad ang sagot sa ating mga katanungan na nagiging gamot para sa ating kagalingan.
Source: Dapat Alam Mo