Remembering Marky Cielo, Proud Igorot and StarStruck Ultimate Male Survivor! - The Daily Sentry


Remembering Marky Cielo, Proud Igorot and StarStruck Ultimate Male Survivor!



Photo credit to GMA

Noong December 7, 2008, nagulat ang buong bansa nang mabalitang pumanaw na ang batang aktor at StarStruck Ultimate Male Survivor na si Marky Cielo.

Ayon sa reports, ginigising si Marky ng kanyang ina dahil dadalo sana ito sa isang charity event. Nang hindi ito magising, sinugod na nila ito sa Antipolo Doctors Hospital kung saan idineklara itong 'dead on arrival.'

Photo credit to GMA

Bente anyos lamang siya noon at matatandaang naging isang malaking misteryo ang kanyang pagpanaw dahil napabalitang kinatil diumano nito ang sariling buhay ngunit mariin itong pinabulaanan ng kanyang pamilya.

Tumanggi rin raw ang pamilya na ipa-autopsy ang mga labi ni Marky, dahilan kaya nakadagdag ito sa sinasabing misteryo.

Mula sa Antipolo, dinala ang kanyang mga labi sa Baguio City, pagkatapos ay sa Sitio Batcu, Mountain Province kung saan siya inilibing.

Photo credit to GMA

Lumaki sa Baguio si Marky at isa siyang Proud Igorot. Siya ay nag-aaral noon ng Architecture sa St. Louis University nang mag-sign up siya bilang isang contestant sa Starstruck, isang Philippine television reality talent competition show sa GMA 7 noong 2005.

Pinanganak siya sa Butuan, Agusan Del Norte noong 1988 ngunit lumipat sila sa Mountain Province noong 2001.

Photo credit to GMA

Pinalad siyang manalo sa StarStruck at itinanghal na Ultimate Male and Sole Survivor. Doon ay nagsimula na ang kanyang kasikatan at sunod-sunod na ang kanyang mga TV shows at teleseryes na kanyang pinagbidahan.

Bumida siya sa mga teleseryes tulad ng 'Fantastikids', 'Zaido: Pulis Pangkalawakan' at 'Kaputol ng Isang Awit.'


Nagkaroon din ng iba't ibang roles si Marky sa 'Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas,' 'Bakekang,' at 'Asian Treasures.'

Nang manalo si Marky sa 'StarStruck,' gumawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang Igorot na sumali sa isang talent contest. Ilan sa kanyang nga batchmates sa naturang show ay sina Jackie Rice, Iwa Moto, Vaness del Moral at Arci Muñoz.

Photo credit to GMA

At bukod sa pagiging aktor, naging aktibo rin si Marky bilang spokesperson ng no-smoking campaign ng Department of Health. Itinanghal rin siya noong 2007 bilang 'The Most Promising Male Artist ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation'.

Kaya naman noong nabalitang wala na ang batang aktor ay marami ang nalungkot dahil mabait, magalang at mabuting anak at kaibigan si Marky.

Marami tuloy ang nagtaka kung bakit biglaan ang kanyang pagpanaw gayong noong nagdaang gabi bago ang araw na natagpuan siyang walang malay ng ina, ay kasama pa raw nito ang mga kaibigan sa isang Internet cafe sa Tomas Morato Avenue, Quezon city.

Ngunit noong gabing iyon ay my napansin na raw ang kanyang mga kaibigan na may kakaiba sa aktor nang makita nila itong may kausap sa telepono at umiiyak. Kung sino ang kausap niya at kung bakit umiiyak ito ay wala diumanong nakaalam.

May lumabas rin raw na balita na tumatawag si Marky sa kanyang manager noong gabing iyon ngunit hindi ito nasagot ng huli.

Nagkaroon rin diumano ng isang 'heart-to-heart talk' sa pagitan ni Marky at ng kanyang ina na sinasabing isang malalim at personal na bagay, kung saan pinayuhan pa raw ito ng ina na harapin niya ang suliranin bilang isang tunay na lalaki at sinabing “Lutasin mo ang problema mo; ikaw lang ang makakalutas n’yan.”



SourceGMAThe Philippine Star