Propesor, umani ng papuri matapos alagaan ang anak ng kanyang estudyante upang makapag-focus ito sa exam - The Daily Sentry


Propesor, umani ng papuri matapos alagaan ang anak ng kanyang estudyante upang makapag-focus ito sa exam




Isa sa mga pinakamalaking parte ng tagumpay ng isang estudyante ay ang paggabay at pagbahagi ng karunungan ng  mga guro. Sila ang katuwang ng mga magulang sa paghulma ng kanilang mga kaisipan tungo sa kanilang magiging kinabukasan. 


Tinagurian rin silang mga pangalawang magulang hindi lang dahil sa kanila ipinagkatiwala ang magiging kaalaman ng mga estudyante, kundi dahil marami sa mga Guro mula pa noon, hanggang ngayon ang tunay na may malasakit para sa pangarap ng mga mag-aaral. 


Umani ng nag-uumapaw na papuri at paghanga mula sa mga netizens ang isang college professor mula Samar State University na si Andres Basa Sequito dahil pagiging mabuti at nakapa-maintindihing guro nito sa lahat ng kanyang mga estudyante.


Sa trending video post ni Ezza Fatima Leonor Permaci, makikita na habang abala ang lahat ng mga estudyante sa pagsagot ng exams, karga at inaaliw-aliw naman ni Prof. Sequito ang isang batang sanggol na anak ng isa sa kanyang mga estudyante. 



"The moment when one of his students bring a baby to the class and wanted her to focus on the exam,"


Imbes na isiping makakaistorbo lamang para sa kanyang pagtuturo ang pagdadala ng anak sa klase, nagpresinta pa umano ang guro na siya na ang bahala mag-alaga sa bata upang makapag focus ang ina nito sa pagsagot ng kanilang exam. 


"He is not only imparting knowledge to his students, but also giving the full understanding, kindness, and love as a second parent," saad ni Ezza


"Di lang siya magaling mag turo, tutulungan kapa mag tiwala, wag sumuko at abutin ang pangarap mo," dagdag nito.




Ayon pa sa mga naging estudyante at kasamahan ni Sequito sa pagtuturo sa unibersidad, kilala nila ito na magaling, mabait, jolly at cool sa klase. 


"Good Job! He really do that during our college days. Siya rin nakarga kay Liam ,Zia and Xian na mga anak ko. Dinadala niya sa kanyang office. Thank you and salute to you always Sir!" pagpapasalamat ng dating estudyante ni Sir Sequito. 




Mas lalo pa siyang hinahangaan dahil sa kanyang malasakit at taos pusong kabutihang ipinapakita sa kanyang mga estudyante kahit pa man na mayroon din siyang matinding pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay dahil sa pakikipaglaban ng misis nito sa isang malubhang sakit. 


***

Source: Ezza Fatima Leonor Permaci

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!