Perang nagkakahalaga ng P484K na nahulog at nilipad sa kalsada nang hindi namamalayan, dinampot ng mga kasunod sa daan - The Daily Sentry


Perang nagkakahalaga ng P484K na nahulog at nilipad sa kalsada nang hindi namamalayan, dinampot ng mga kasunod sa daan








Sa Tuguegarao City, isang manager ng car company ang nanawagan na maibalik ang pera na nahulog sa kalsada noong nakaraang Agosto 31.

 
Ayon sa ulat ng ABS CBN, nangyari ang insidente bandang 10:40 ng gabi, katapusan ng Agosto habang binabaybay ng kotseng lulan ang kanilang secretary ang kalsada sa Barangay Carig Norte.


 
Habang nasa daan ay nalaglag umano ang pera ng di namamalayan mula sa plastic bag kung saan nakalagay ang cash na umabot ng P484,000 at mga tseke.

 
“Ewan ko kung paano nahulog dun sa kotse, siguro nakalagay sa dashboard ganun o ano, tapos open air,” ayon sa salaysay ng manager na si Manuel Balisi.




 
Matapos ang pangyayari ay agad naman daw itong naireport sa mga pulis upang matulungan silang hanapin kung sino man ang nakapulot ng pera.

 
Samantala, sa kuha ng CCTV sa barangay hall ng Carig Norte, makikita na may isang puting truck na huminto at may tatlong lalaki na lumabas na pumulot sa tila nagkalat na pera sa daan.

 
Sa ulat ng ABS CBN noong nakaraang linggo at tila wala pang nagsasauli ng perang nawawala mula sa kumpanya.*

 
“Wala pa nga po. Hindi namin maano ‘yung sa CCTV kasi blurred. Kaya hindi namin alam kung paano marerekober. Problema namin paano na. Sigurado ipapabayad sa amin ‘yun,”  ayon kay Balisi

 
Upang maresolba ang pangyayari ay magbibigay umano ng pabuya ang kumpanya sa sinumang makakapag balik ng pera o makapagbibigay ng impormasyon tungkol mga lalaking nakapulot nito.

 
Maaari rin umano na hindi residente ng Cagayan o Tuguegarao ang mga sinasabing nakakuha sa pera naka-jackpot dahil sa laki ng halaga nito.




 
Ang kalsada kung saan nahulog ang malaking halaga ay dinadaanan at tinitigilan ng mga biyahero na mula sa ibat-ibang panig ng Luzon.


 
Sana ay may mabuting kalooban ang mga taong nakapulot ng P484k at ito ay isauli sa may-ari na naghihintay na maibalik ito at malamang ay abot langit din ang dasal.