Pananakit ng isang guro sa dalawang estudyante, kuha sa video; Guro paparusahan ng DepEd - The Daily Sentry


Pananakit ng isang guro sa dalawang estudyante, kuha sa video; Guro paparusahan ng DepEd



Mabilis na nag-viral ang video ng isang gurong sinaktan ang kanyang mga estudyanteng hindi umano marunong ng addition at subtraction.
Photo credit to the owner

Aminado ang 49-years-old na guro mula sa Bangad Centro Elementary School sa bayan ng Tiglayan, Kalinga na mali ang kanyang ginawang pananakit sa mga estudyante.

Mapapanood sa video kung papaano saktan ng guro ang dalawang grade 5 students habang nasa harap ng klase.

“Grade 5 na kayo, you do not know how to solve the problem on the blackboard,” maririnig na sabi ng guro.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“ANNGEY, YOU ARE GRADE 5 NA, YOU DO NOT KNOW HOW TO... HOW TO... SUBTRACT" tsaka pinalo sa likod ang dalawang bata at makikita din na hinila ng guro ang kanilang mga tenga.

"DAYTOY TI-UNUNAEN" (Eto ang uunahin) at "APAY TATA YU LANG NGA MAKITA AG-MINUS KEN AG BORROW?" (Bakit ngayon niyo lang ba makikita ang mag minus at mag borrow?) dagdag pa ng guro.

Panoorin ang video sa ibaba:

Dahil dito, agad na nagbigay ng direktiba ang DepEd Cordillera na magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa nangyaring insidente.

Ayon sa Radio Report ng Radyo Natin kay Kalinga Schools Divisions Superintendent Amador Garcia Sr., nagtungo na sila sa naturang paaralan sa pinangunahan ni Atty. Cherrie Balonggay, ang legal officer ng DepEd Kalinga.

Higit 20-taon ng nasa serbisyo ng pagtuturo ang Guro na isang 49-anyos, ayon kay Garcia.

Dagdag pa ni Garcia, labis umano ang pagsisisi ng guro nang makita ang viral video kaya’t agad na nagsagawa rin ng hiwalay na hakbang ang mga opisyal ng barangay upang hindi na maulit ang insidente.

Aminado ang guro sa maling ginawa at nagdesisyon ito na ipagpaliban muna ang kanyang pagtuturo sa klase dahil na rin sa stress matapos makita ang kanyang ginawang pananakit sa dalawang mag-aaral.

Sa kabila nito, humingi naman ng paumanhin si Garcia na hindi kaagad naipagbigay alam sa kanyang kaalaman ang nangyaring insidente kung kaya’t hindi nagkaroon kaagad ng imbestigasyon.

Patuloy naman ang gagawin pang hakbang habang hihintayin ang ipapataw na kaparusahan ng DepED Cordillera laban sa Guro.


***