Pambansang "Bangkay" na si Jose Clemente, Kahanga-hanga pala ang kanyang talento bago pasukin ang showbiz - The Daily Sentry


Pambansang "Bangkay" na si Jose Clemente, Kahanga-hanga pala ang kanyang talento bago pasukin ang showbiz



Larawan mula sa namethatfilipino

Si Jose Clemente "Nonong" de Andres o nakilala sa pangalang Bangkay ay ipinanganak noong May 4, 1947 sa probinsya ng Masbate.


Bago pa man sumabak si Bangkay sa pag-aartista ay nauna na siyang naging layout artist at hindi maitatanggi na may talent nga siya pagdating sa pagpipinta.


Noong araw ay mano-mano niyang ipinipinta ang mga billboards ng mga palikula dahil hindi pa noon uso ang digital printing.


Dahil sa kanyang angkin na talento ay nadiskubre siya ni comedy King Dolphy at inalok siya na pasukin ang pag-aartista dahil mas malaki umano ang kikitain niya dito.


Noong una ay nagdadalawang isip si Bangkay na pasukin ang pag-arte ngunit kalaunan ay napagdesisyunan niya na subukan at dito na nga nagumpisa ang kanyang karera sa larangan ng pag-aartista.


Madalas siyang kunin ni Dolphy sa kanyang mga pelikula dahil na rin nakitaan siya ng natural na talento sa pag-arte lalong-lalo na sa pagpapatawa.

Larawan mula sa namethatfilipino
Larawan mula sa namethatfilipino

Madalas siyang gumanap sa mga pelikulang nakakatakot at kung minsan ay komedya naman ang kanyang linya.

Si Bangkay ay napabilang na rin sa mahigit isang daang pelikulang Pilipino na ipinalabas sa bansa kung kaya naman maituturing na rin siya bilang isang batikang aktor sa Pilipinas.


Si Nonong ay walang asawa at anak kung kaya naman ginugugol niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kapatid at pamangkin.

Larawan mula sa namethatfilipino

Larawan mula sa namethatfilipino

Taong 2000 ay humina ang kanyang kita sa pag-aartista dahil madalang na lamang ang kumukuha sa kanya kung kaya naman nagdesisyon itong iwanan muna ang showbiz.


Taong 2005 ay nagtrabaho siya bilang isang caretaker sa isang resort ngunit hindi nagtagal ay muli siyang kinuha upang mapabilang sa palabas na "Forevermore" na pinagbidahan ni Enrique Gil at Liza Soberano.


Namataan din siya sa palabas ni Coco Martin na Ang Probinsyano at Alyas Robin Hood na pinagbidahan naman ni Dingdong Dantes.


Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging aktibo ulit sa pag-aartista ay marami ang nagulat ng mapabalita ang kanyang biglaang pamamaalam sa edad na 71.


Noong November 6, 2018 ay natagpuan si Nonong Bankay na wala ng buhay sa isang resort sa loob ng isang cottage.

Larawan mula sa namethatfilipino

Larawan mula sa namethatfilipino

Ayon sa balita ay namaalam ang aktor dahil sa kanyang matagal ng iniindang karamdaman sa kanyang baga na marahil nakuha niya sa kanyang pagkahilig sa paninigarilyo.


Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***