Larawan mula sa themoviedb |
Tila hindi na yata mawawala sa kaisipan ng mga Pilipino ang trademark ng mahiwagang bato, pulang bikini at ang mga katagang "Ding ang bato!" na madalas binabanggit ni Darna sa kanyang mga eksena.
Noon pa man ay naging tanyag na sa mga manunuod ang palabas na Darna at sa katunayan nga ay naging bahagi na nga ito ng kasaysayan sa pampelikulang Pilipino magmula pa noong dekada singkwenta.
Sa paglipas ng panahon, ang pelikulang Darna ay ginawan ng iba't-ibang bersyon ang kwento kung saan iba't-ibang artistang babae naman ang gumanap dito.
Ngunit bago pa man sumikat ang ilang artista na gumanap sa nasabing pelikula ay nauna munang nakilala at sumikat sa mga manunuod ang pinaka-unang gumanap ng Darna na si Rosa Del Rosario.
Noong taong 1951 ay unang lumipad si Rosa Del Rosario bilang kauna-unahang Darna sa pampelikulang Pilipino na sumailalim sa direksyon ng ama ni FPJ na si Fernando Poe Sr.
Larawan mula sa themoviedb |
Larawan mula sa themoviedb |
Si Rose del Rosario Stagner o mas kilala sa pangalang Rosa del Rosario ay ipinanganak noong December 15, 1917. Ang kanyang ama ay si Frank H. Stagner na isang Amerikano at isang Filipino naman ang kanyang ina na si Aquilina del Rosario na nagmula naman sa Pampanga.
Marami man ang hindi nakakakilala ngayon kay Rosa, hindi naman maitatanggi na isa siya sa mga naging pinaka-sikat na aktres noon.
Noong bata pa si Rosa ay natuto na itong kumita ng pera dahil dati siyang nagtitinda ng meryenda katulad ng empanada at siomai sa mga sinehan.
Larawan mula sa themoviedb |
Larawan mula sa themoviedb |
Si Rosa ay nadiskubre ng isang banyagang direktor nang minsan ay makita siya sa isang dress shop ng kanyang kapatid.
Dahil nabighani ang dayuhan sa angkin kagandahan ni Rosa ay inalok siya nito na lumabas sa pelikula na pinamagatang 'Ligaw na bulaklak', at dito na nga nagsimulang umarte sa harap ng kamera ang nasabing dalaga.
Naging maganda ang karera ni Rosa sa industriya ng Pilipinas, at dahil sa natural na talento sa pag-arte at mala-diyosang kagandahan ay kaagad nakilala at sumikat si Rosa sa mga manunuod.
Naging sunod-sunod ang kanyang naging proyekto at sa katunayan nga ay si Rosa ang itinuturing na 'Movie Queen' noong kapanahunan niya.
Taong 1951 noong magsimulang lumipad ang kauna-unahang Darna sa Pilipinas kung saan ay pinagbidahan ito ni Rosa.
Ang hindi alam ng karamihan ay natutong lumipad ang kauna-unahang Filipino superhero na si Darna sa karakter ni Rosa na nakasabit lamang sa helicopter habang lumilipad at ginagawa ang kanyang mga eksena sa ere.
Larawan mula sa themoviedb |
Larawan mula sa themoviedb |
Ang hindi alam ng karamihan ay natutong lumipad ang kauna-unahang Filipino superhero na si Darna sa karakter ni Rosa na nakasabit lamang sa helicopter habang lumilipad at ginagawa ang kanyang mga eksena sa ere.
Dahil hindi pa uso noon ang computerized editing ng mga eksena ay talagang naging challenging umano ang palabas na Darna para kay Rosa.
Matapos ang ilang taon ay nais nang magpahinga sa pag-arte at lumagay sa tahimik na buhay si Rosa at nanirahan na lamang sa San Francisco, California kasama ang kanyang asawa na si John Samit at kanyang dalawang anak na babae na sina Geraldine at Teresa.
Larawan mula sa themoviedb |
Larawan mula sa themoviedb |
Lumipas ang panahon ay nasaksihan at nasubaybayan ni Rosa ang iba't-ibang pagganap ng kanyang karakter na Darna at nagkaroon ng ibat't-ibang version.
Taong 2006 ay namaalam na ng tuluyan si Rosa Del Rosario sa edad na 76 sa California.
Larawan mula sa themoviedb |
Larawan mula sa themoviedb |
Tunay nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa at naiambag sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
***