Original "Bomba Queen" Charito Solis, ano ang kinamatay at gaano kalaki ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino? - The Daily Sentry


Original "Bomba Queen" Charito Solis, ano ang kinamatay at gaano kalaki ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino?



Si Rosario Violeta Solis Hernandez o mas naging tanyag bilang si Charito Solis ay isa sa may mga pinakamagagandang mukha sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino at itinuturing na isang Gem of Philippine Cinema.

Isang multi-awarded star na humakot ng iba'tibang awards. Siya rin ang kauna-unahang Pilipinang nanalo ng international award dahil sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang "Dahil Sa Isang Bulaklak".




Noong siya'y 19 taong gulang ay ipinakilala siya ng kanyang tiyuhin sa may-ari ng LVN production na si Doña Narcisa de Leon.

Eksaktong naghahanap noon ng bagong mukha ang LVN na ipapareha sa aktor na si Jaime dela Rosa. 

Bagamat tinanggihan ni Charito sa simula na pasukin ang mundo ng pelikula ay pilit naman siyang kinumbinse ng may-ari ng LVN dahil kinakitaan na agad ito ng malaking potensyal.

At sa unang sabak pa nga lang ay matagumpay na nitong pinagbidahan ang pelikulang Niña Bonita noong taong 1955 sa direksyon ni F.H Constantino. Dito na nagsimula ang pagyabong ng pangalan ni Charito Solis sa industriya, di lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos


Mahigit 100 pelikula ang kanyang pinangunahan kasama ang mga bigating artista tulad ni The King Fernando Poe Jr. sa pelikulang "Sandata at Pangako" noong 1961.

Alam niyo ba na si Charito Solis din ang kauna-unahang aktres sa Pilipinas na nagpakita ng kanyang dibdib sa isang pelikula?

Ito ay sa pelikulang "Igorota" noong taong 1968 kung saan ay itinanghal siyang FAMAS Best Actress para sa nasabing pelikula.

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos


Tumagal ang mahigit 4 na dekada ang kanyang pananatili sa showbiz at hindi nawala ang charisma sa masa lalo na noong gampanan nito ang karakter na si Ina Magenta sa TV sitcom sa "Okay ka, Fairy ko!" kasama si Vic Sotto sa loob ng halos 10 taon.

Nagimbal ang lahat ng marinig ang balita na si Charito Solis ay pumanawa na sa edad na 62. Ayon sa mga balita ay nasa isang resort sa Laguna ang beteranang aktres nang ito'y dumaing ng pananakit at paninikip ng dibdib.

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos


Agad naman itinakbo ang aktres sa ospital ngunit bago pa sumapit ang hating gabi ay binawian na ito ng buhay dahil sa atake sa puso noong January 9 1998.

Nagtapos man ang kanyang buhay sa masaklap na pagkakataon, si Charito Solis ay maituturing na isang kayamanan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino dahil sa malaking ambag nito sa industriya at marapat lang na ihanay sa listahan ng mga alamat ng Philippines Cinema.

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos

Charito Solis | CTTO Facebook Public Photos