Kamakailan ay napanood ang soft opening/launching ng ALLTV (Advance Media Broadcasting System 2) kung saan ay pinuna ng talent manager na si Ogie Diaz ang production number ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.
Ogie Diaz and Willie Revillame / Photo credit to the owner
Pero nilinaw naman niya na na-bother lang siya sa audio ng naging performance ng aktres.
“Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya,” aniya pa.
Willie Revillame and Toni Gonzaga / Photo credit to the owner
Willie Revillame and Toni Gonzaga / Photo credit to the owner
Samantala, humingi naman ng paumanhin ang TV host na si Willie Revillame dahil sa naging problema umano sa speaker ng performances ni Toni.
Dito naglabas din ng prangkang saloobin si Willie sa mga tinamong pambabatikos.
“Mahirap magpuna ng pagkakamali sa kapwa mo. Tignan mo muna ang sarili mo,” dagdag ni Kuya Will.
Willie Revillame / Photo credit to the owner
Willie Revillame / Photo credit to the owner
Hindi naman napigilan ni Ogie ang mag-react sa sinabi ni Kuya Will.
Sa kaniyang YouTube channel, bumwelta si Ogie ng maaanghang na resbak sa “Wowowin” host.
“Himay-himayin ko ‘yung sinabi ni Kuya Wil, ha. I love you, Kuya Wil, alam mo ‘yan. Pero siyempre sa mga pagkakataong ganito. Dapat naririnig ni Kuya Wil kung ano ‘yung sentimiyento o ‘yung pagpupuri o ‘yung opinyon ng mga taong nanonood,” pagsisimula ni Ogie at ipinuntong mahalaga ang feedback ng manunuod para sa bagong network.
“Kuya Wil, ano ba dapat ‘yung pinupuna? ‘Yung tama o ‘yung mali? O ‘yung kulang o ‘yung kapos o ‘yung dapat sana ay mas maganda kung ito ‘yung gagawin? Siyempre naman, ‘pag kapuri-puri naman, pupurihin naman, Kuya Wil,” dagdag ni Ogie.
Ogie Diaz / Photo credit to the owner
Ogie Diaz / Photo credit to the owner
“Kung maganda ‘yung audio, sa palagay mo, hindi ko naman pupurihin ‘yon? Kung maganda naman ang sound system, sa palagay mo hindi ko pupurihin ‘yon? Kung maganda ba ‘yung backdrop o ‘yung stage design o ‘yung LED wall, hindi ko ba pupurihin? Siyempre pupurihin ko,” pagpapatuloy niya.
Ani Ogie, isang constructive criticism lang ang kaniyang naging pahayag.
“Constructive naman ‘yon, Kuya Wil. Sana marunong tayong tumanggap ng kritisismo lalo na’t ang tagal-tagal mo na sa industriya. Dapat alam mo na ‘yan,” ani Ogie.
Hindi rin pinalampas ni Ogie ang pahayag ni Kuya Wil kaugnay ng mga taong tinulungan ng network.
Ogie Diaz / Photo credit to the owner
Ogie Diaz / Photo credit to the owner
Aniya, hindi raw ang mga ito ang kanyang pinupuna kundi ang mismong programa.
“’Yung kalidad, ‘yung production values, ‘yung pinupuna. Hindi naman ‘yung mga taong tinutulungan.”
“Tsaka ‘pag ganito ‘yung lagi nating sinasabi, ‘Yung may mga tao tayong tinutulungan dito sa istasyon na ‘to,’ panunumbat ‘yun,” dagdag ni Ogie.
Sa ngayon ay wala pang sagot si Kuya Wil sa mga pahayag ni Ogie.
***
Source: Balita