Nag-iisang bayan sa buong mundo na 1 lang ang populasyon, 88-anyos na lola ang nakatira na sya ring tumatayong Mayor, clerk, librarian, at iba pa - The Daily Sentry


Nag-iisang bayan sa buong mundo na 1 lang ang populasyon, 88-anyos na lola ang nakatira na sya ring tumatayong Mayor, clerk, librarian, at iba pa






Saan ka makakakita ng lugar na, sya na nga ang Mayor, sya pa rin ang treasurer, clerk, secretary, local librarian, at maging ang nag-iisang restaurant owner sa kanilang bayan? Kung sa tingin mo wala, ibahin mo ang bayan na ito.


Sino ang ang mag-aakala na sa panahon ngayon kung saan patuloy ang paglobo ng populasyon sa buong mundo, posible pa palang magkaroon ng isang bayan kung saan iisang tao lang ang nanatiling naninirahan. 


Sa isang napaka pambihirang pagkakataon, sa maniwala ka man o hindi, ito ang katotohanan sa bayan ng Monowi, bahagi ng isang state sa Nebraska, United States. At 17 years na itong iisa lang ang nakatira mula pa noong 2010 hanggang ngayong 2022.





Ayon sa 2010 U.S. Census, ang Monowi ang nag-iisang bayan sa Amerika na may populasyong iisa lang ang naninirahan at iyon ay ang 88-anyos na lola na si Elsie Eiler. Sa bayang ito, magpasahanggang ngayon ay sya lang ang tanging naninirahan doon kaya naman sya na rin ang naging mayor, treasurer, clerk, secretary, librarian, restaurant owner sa kanilang bayan.




Mga taong 1930’s, ang Monowi ay isang masiglang bayan na may populasyong 120 na katao. Mayroon din itong ilang mga business establishment gaya nang restaurant at grocery store ngunit sa kasamaang palad, ang pagsasaka na pangunahin nilang ikinabubuhay ay unti-unting nalugi. Ito ang naging dahilan ng mga tao para lumipat nang ibang bayan at maghanap ng mas magandang oportunidad.


Ang mga tao naman na mas piniling manatili sa Monowi ay unti-unti na ring namatay at sa kasalukuyan, tanging si Elsie na lamang ang residente nang bayang ito, matapos ang pagpanaw ng kanyang asawa noong 2004.



 

“I’m the only one that lives here in town. Everybody else has either passed away or moved away and this is where I chose to stay.”


Si Elsie ay nagmamay-ari at mag-isang nagpapatakbo nang isang maliit na restaurant kung saan nagse-serve siya ng burgers ($3.50 o 196 pesos), hot dogs (70 pesos) at mga beer.


Nito lamang 2011, kasama ang ilan niyang kaibigan, pamilya at mga lokal sa karatig bayan na kanya ring mga regular customer, ay pinagdiwang nila Elsie ang 50th anniversary nang kanyang restaurant. Ang mga tao rin na ito mula sa katabing bayan ng Monowi ang syang mga sumusuporta at tumutulong sa kanyang restaurant noong kasagsagan nang pandemya.





"Very seldom I spend much time in here by myself. Even now, there's always somebody coming or going. The pandemic didn't much affect me. It wasn't no big lockup or anything like that. It's stayed really busy and the locals are all very supportive."


Bukod sa pagpapatakbo ng kanyang restaurant, si Elsie rin ang namamahala sa kanilang local library na may laking 320 - square foot at naglalaman ito ng mahigit 5,000 pirasong mga libro.


Tunay na determinadong manatili si Elsie sa Monowi at taon-taon ay nagbabayad siya ng tax upang mapanatiling tumatakbo ang kuryente at tubig ng bayan.


Aniya, nire-renew nya taun-taon ang kanyang lisensya dahil doon nya pa rin pinipiling manatili kahit mag-isa lang sya. Giit pa nya, masayaw raw syang naninirahan sa bayan na iyon dahil kung hindi ay hindi naman umano sya magtatagal dito. 


"Each year, I just renew my license and stay again. I mean, basically I'm happy here. This is where I really want to be, or I wouldn't stay here”, naka-ngiting pagsa-salaysay ni Elsie.