'Myth' at 'Urban Legend' lamang! Eraserheads frontman' Ely Buendia Reveals 'Spoliarium' Story! - The Daily Sentry


'Myth' at 'Urban Legend' lamang! Eraserheads frontman' Ely Buendia Reveals 'Spoliarium' Story!



Photo credit to Inquirer and YouTube

Pamilyar ba kayo sa kantang 'Spoliarium' ng sikat na banda noong dekada 90's na Eraserheads? Marahil ay isa rin kayo sa naghahanap ng katotohan kung ano nga ba ang tunay na mensahe ng kantang ito.

To set the record straight at para matuldukan na rin ang mga haka-haka ay nagsalita na ang lead vocalist at siyang sumulat ng 'Spoliarium' na walang iba kundi si Ely Buendia.



Photo credit to Twitter

Ayon kay Ely, salungat sa pinaniniwalaan ng karamihan na ang kanta ay tugkol sa namayapang aktres na ginahasa diumano noong dekada 80, ang kanta ay tungkol lamang sa isang 'gintong alak' at simpleng pagsasaya at inuman ng magkakaibigan.

Wala raw katotohanan ang kumakalat na 'hidden meaning' ng kanta na hindi niya alam kung paano at sino ang nagsimula at nagpakalat. Ngunit aminado si Ely na medyo nagustuhan niya ang kumalat na 'myth' na ito kaya hinayaan na lamang nila. At matapos nga ang 25 years ay inihayag niya na ang katotohanan sa isang episode ng podcast nina Saab Magalona at Jim Bacarro.

Photo credit to Rappler

"Spoliarium' is one of those cases where really the myth has sort of taken over the facts and I kinda like it. I kinda like the myth. Because the actual meaning of the song is also again, just really mundane... So, we were drinking that (Goldschläger) and that gintong alak.. that’s what it meant. It’s all about getting pissed drunk," ani Ely.

Sinasabi kasing tungkol ang kanta sa isang sexy star na si Pepsi Paloma na pinagsamantalahan noon dahilan kung bakit niya kinitil ang sariling buhay. Namuo ang haka-haka dahil sa lyrics ng kanta ay may binanggit diumanong "Enteng' at 'Joey' na may sinulat sa isang 'gintong salamin.'

Photo credit to YouTube

Subalit paglilinaw ni Ely, ang 'Enteng' at 'Joey' na binanggit sa kanta ay mga road managers ng Eraserheads at wala ng iba pa.


"They were roadies. Kaya first time ko nabasa 'yun, that urban legend, sabi ko, ‘Wow, okay ‘to ah.' There really is, sometimes, 'yung mga coincidence like that, you have no power over that. It just happens," sabi niya.

Ani Ely, ang kanta ay 'inspired' at pinakaw niya sa isang sikat na painting ni Juan Luna. Ito rin raw ay isa sa kanyang pinakapaboritong kanta ng Eraserheads.

Photo credit to Inquirer

Wala naman raw siyang problema kung may mga taong iba ang nakikitang mensahe sa kanta ngunit paglilinaw niya tungkol lamang talaga ito sa simpleng inuman ng magkakaibigan.

"We were just drinking. It’s about the hangover. But you know, whatever people wanna think about that song, it’s fine. That’s the beauty of it. But that’s one of those songs that I’m really proud of. You know, I’m really proud of it if I sing it live all the time," aniya.

Pagtatapos ni Ely, sigurado siya na kahit na ipinaliwanag niya na ang sarili ay marami pa rin ang maniniwala sa 'myth' at nagbiro na malamang ay marami rin ang nadisappoint sa kanyang rebelasyon.

"Are you disappointed? Pero pustahan tayo kahit sinabi ko na 'yan, the myth will still go on.", saad ng sikat na music icon.




Source: Philstar