|
Mga larawan mula sa Instagram |
Ilang oras matapos sumuko ang TV host na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation matapos ilabas ng Taguig Metropolitan Court ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa acts of lascivi0usness na inihain ng modelong si Deniece Cornejo, ay di napigilan ng dati ring modelo at video jock na si Kat Alano na mag-react.
Ayon kay Alano, sa wakas ay nakita na rin niya ang sulyap ng hustisya sa bansa.
“After 17 years... Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY c0ndemned the victim?” ani Alano sa kanyang tweet
“Think about what you did to her if that was the truth,” dagdag pa ng dating modelo at VJ
|
Dating Modelo at VJ na si Kat Alano | Larawan mula sa kanyang Instagram |
Sa isa pa niyang tweet, sinabi ni Alano na may tao umano na gumagamit ng pangalan ng Diyos para masabing inosente ito, sinundan niya ito ng hashtag na #rhymeswithwrong.
“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally, after 17 years,” dagdag pa ni Alano sa isa pa niyang tweet.*
Ayon sa abogado ni Navarro na si Alma Mallonga, nakapag piyansa ang TV host para sa naunang warrant na ng kaso niyang acts of lascivi0usness nitong Lunes ngunit lumabas naman ng Martes ang ikalawang warrant kay Navarro para sa kasong r*p3, kaya agad din uli itong sumuko sa NBI.
Ang ikalawang kaso na inihain sa aktor ay walang piyansa kaya nananatili itong nasa kustodiya ng mga awtoridad simula Martes.
|
Mugshot ni Vhong Navarro | Kuha mula sa NBI |
Sinabi din ng legal counsel ni Navarro na isusulong ng kanilang panig ang petisyon para sa piyansa nito.
"Navarro has voluntarily surrendered also in connection with the r*p3 complaint, and he is currently detained. Under the laws and the procedure, he will continue to be detained until bail is granted to him. That will require the petition for bail to be filed, and we will do it immediately. Our first and foremost duty, I think, in this case, is to set Mr. Vhong Navarro free on bail," ani Mallonga