Misteryosong ₱12 Million Lotto Winner, ibinahagi kung paano niya ginastos ang kanyang napanalunan at humingi ng opinyon kung tama ba ang ginawa nito. - The Daily Sentry


Misteryosong ₱12 Million Lotto Winner, ibinahagi kung paano niya ginastos ang kanyang napanalunan at humingi ng opinyon kung tama ba ang ginawa nito.



Isang hindi nagpakilalang nanalo umano ng ₱12 milyon sa lotto ang nagbahagi sa Facebook page na CFO PESO SENSE kung anu-ano ang mga binili nito sa napanalunang pera.

Dahil aminadong magastos at hindi gaanong maalam pagdating sa paghawak ng pera, humingi ito ng opinyon kung tama ba ang naging paraan niya sa paggamit ng kanyang natanggap na kwarta.




Basahin ang kanyang pahayag at 'wag mahiyang magbigay ng iyong mungkahi para na rin sa kapakanan ng lahat.

"Magandang araw. Please paki hide identity admin confidential kasi hehe. Sana po ma enlighten po ako sa payo ninyo kasi po gulo po isip ko ngayon dahil sa pera. Masasabe ko po hindi po ako yung financial literate kasi sabi ng mama ko gastador dw ako."

CTTO | Public Photos Facebook


"Nanalo pa kasi ako ng 12 million po sa lotto nung nakaraan buwan. Ngayon po ay nag resign napo ako sa trabaho, ako po pala ay isang admin assistant sa isang software company dito sa mindanao."

"Nakabili na po ako ng lote na 400 sq meter sa probinsya namin at nasa loob ng subd po iyon na worth 3 million po. Kasi 50 meters lang sa national highway."

Sa puntong ito, marami ang napatanong kung ito ba ang tamang oras para mag resign na sa trabaho? Payo ng ilan ay huwag masyadong magpadala sa sinasabing sudden change of lifestyle.

Palaging mag-ingat at tandaan na isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming lotto winners ang nabigla sa pagkaubos ng kanilang napanalunan.

CTTO | Public Photos Facebook


"Nakabili na rin po ako ng toyota fortuner 2022 at mag worth po ng 1,633,000. Aside po jan kumuha din po ako ng condo sa one oasis 3 m po para po ipaupahan ko. Naglagay din po ako ng 1 m sa mp2. Nagtayo din po ako ng medium scale hardware na nakagasto po ako ng 1.2 m kasali na po 1 elf jan."

"Lastly binigyan ko po mama at papa ko ng 1 m. Tig 100 k each naman po kapatid ko bale 2 po cla."

"Ngayon po na realize ko na ang dali na pala maubos yung 12 m. Tanong ko lang po masyado po ba akong gastador? or tama lang tong ininvest ko?"

Nagbigay naman ng mungkahi ang ilan ukol sa hakbang na ito, sa halip daw kasi na binigyan niya ng pera ang kanyang pamilya, mas maigi raw sana kung negosyo na lang ang binigay niya sa mga ito.

CTTO | Public Photos Facebook

CTTO | Public Photos Facebook


"may natira pa naman pang emergency fund pero alam mo yung parang kulang pa? Iniisip ko kasi last week na ipasyal ko po pamilya ko sa ibang bansa pero baka maubos nato."

Agad na nagbigay ng kanya-kanyang mungkahi ang mga netizens at isa nga sa pinaka-sinang ayunan ng lahat ay ang nagsabi na ang perang hindi pinaghirapan ay sadyang madaling maubos.

Naging magastos ba ito? Oo! Tama ang naisip niya na mag-invest pero dahil sa kaliwa't kanang gastos ay mabilis na naubos ang pera niya kaya siya nag-aalala ngayon.

CTTO | Public Photos Facebook


Mas napabuti raw sana kung kumuha muna ito ng financial advisor para magabayan kung papaano mapapalago ang kanyang ₱12 Million.

Nakalimutan rin nitong bumili ng insurance na maaring magamit sa oras ng kagipitan.

Gayunpaman, naway maging matagumpay siya sa kanyang naging desisyon at sana'y sa mga oras na ito ay mayroon nang gumagabay sa kanya bago pa tuluyang maubos ang kanyang pera.