Mga BETERANANG AKTRES noon na isa nang LOLA ngayon! Ganito pala sila KAGANDA noon! - The Daily Sentry


Mga BETERANANG AKTRES noon na isa nang LOLA ngayon! Ganito pala sila KAGANDA noon!



 

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Noong nagsisimula palang ang industriya ng showbiz sa Pilipinas ay hindi pa uso ang selfie, internet at wala pa noong retoke ngunit hindi na kailangan na i-filter pa ang mukha ng mga artista dahil natural ang kanilang taglay na kagandahan noon.


Ating tunghayan at magbalik tanaw sa ilang mga larawan ng mga nag-gagandahang klasikong artista noong sila pa ay mga dalaga at nag-uumpisa palang ang karera sa pag-aartista sa bansa.


Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala sa pangalang Annebelle Rama ay ipinanganak noong October 31, 1952 sa Cebu City.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o sumikat sa pangalang Susan Roces ay ipinanganak noong July 28, 1941. Siya ay asawa ni Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala sa pangalang Fernando Poe Jr.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Geraldine Acthley o sumikat sa pangalang Gina Pareño ay ipinanganak noong October 20, 1947 at nagsimula ang karera sa showbiz noong taong 1960s. Ang ama ni Gina ay isang German American at Pinay naman ang kanyang ina.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Gloria Maria Aspillera Diaz o kilala sa pangalang Gloria Diaz ay ipinanganak noong March 10, 1951. Siya ay isang sikat na artista, modelo at kauna-unahang Pinay na nanalo bilang Miss Universe noong taong 1969.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Gloria Anne Borrego Galla na sumikat sa pangalang Gloria Romero ay ipinanganak noong December 16, 1933. Siya ay isang beteranang aktres na nagkaroon ng maraming award kung kaya binansagan siya bilang “Queen of Philippine Movies”.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Cecilia Rodriguez ay ipinanganak noong June 21, 1938. Isa rin siyang beteranang aktres na nagkaroon ng marami award sa pag-aartista na napabilang sa 130 na pelikulang Pilipino simula nang pasukin niya ang showbiz noong taong 1950s.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Helen Albent Gamboa o kilala sa pangalang Helen Gamboa ay ipinanganak noong May 7, 1945. Siya ay isang beterang aktres, singer, dancer at dating beauty queen. Napangasawa ni Helen si Vicente "Tito" Sotto III na isang aktor, comedian, TV host at politician.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Elizabeth Ann Jolene Luciano Winsett o nakilala ng mga tao sa pangalang Liza Lorena ay ipinanganak noong October 31, 1949. Siya ay isang flight stewardess, tourist guide at PTTA receptionist bago siya naging First Runner-Up sa Bb. Pilipinas pageant noong 1966.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Milagros Bernardo o sumikat sa pangalang Luz Valdez ay ipinanganak noong September 9, 1940.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Pilar Delilah Veloso Pilapil-Penas o nakilala sa pangalang Pilar Pilapil ay ipinanganak noong  October 12, 1950 sa Cebu City. Si Pilar ay ginawaran bilang Binibining Pilipinas Universe noong 1967.

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Pilar Garrido Corrales o nakilala sa pangalang Pilita Corrales ay ipinanganak noong August 22, 1937 sa Cebu City. Si Pilita ay isang pop singer-songwriter at binansagang "Asia's Queen of Songs"

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Si Amalia Amador Muhlach o nakilala sa pangalang Amalia Fuentes ay ipinanganak noong August 27, 1940 at binansagang "Movie Queen" noong taong 1960s at 1970s. Si Amalia ay tita ng aktor na sina Aga Muhlach at Niño Muhlach. 

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Larawan mula sa Aliwan Avenue

Tunay nga naman na kahanga-hanga ang kanilang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa sila sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.

***