Matinee idol na si Miguel Rodriguez, ito pala ang dahilan ng kanyang maagang pamamaalam sa edad na 34 - The Daily Sentry


Matinee idol na si Miguel Rodriguez, ito pala ang dahilan ng kanyang maagang pamamaalam sa edad na 34



Larawan mula sa mycast

Si Miguel Benedict P. Rodriguez o nakilala sa pangalang Miguel Rodriguez ay ipinanganak noong November 5, 1962 na isang beteranong actor at model.


Si Miguel ay nagsimula sa showbiz nang madiskubre siya ng isang kilalang filmmaker at National Artist na si Lino Brocka at dito na nga siya ginawan ng kanyang kauna-unahang commercial ng  toothpaste na "Close Up" noong taong 1981.


Isa si Miguel sa tinitingala noon dahil sa kanyang angkin na katikasan ng katawan, mistiso at may mala-anghel na mukha, kung kaya naman kaliwa't kanan ang mga babaeng nahuhumaling sa kanyang taglay na kagandahang lalaki.

Larawan mula sa mycast

Larawan mula sa mycast

Dahil sa artistahin niyang looks ay napasama kaagad si Miguel sa original cast ng "Palibhasa Lalake" kung saan madami siyang nakasama na matinee idol rin, katulad nila Richard Gutierrez, Joey Marquez at marami pang iba.


Agad na namayagpag ang karera ni Miguel sa larangan ng pag-aartista dahil hindi lang ito magandang lalaki kundi magaling din itong umarte sa harap ng kamera at sa katunayan nga ay itinambal siya kay Megastar Sharon Cuneta sa palabas na "To Love Again" at sa beteranang aktres na si Snooky Serna sa pelikulang "Experience".

Larawan mula sa mycast

Larawan mula sa mycast

Noong nabubuhay pa ang matinee idol na si Miguel ay tatlong beses siyang nanalo ng award bilang best supporting actor sa Famas award.


Si Miguel ay talaga namang talentado tao dahil bukod sa magaling sa pag-arte ay isa rin siyang magaling na host na nakipag-sabayan kay Edu Manzano, kung kaya naman marami ang nanghihinayang sa kanyang maagang pagkawala.


Taong 1997 ng magulantang ang kanyang mga taga-hanga, kaibigan at kamag-anak matapos mapabalitang binawian ito ng buhay matapos hindi na magising mula sa kanyang mahimbing na tulog. 


Si Miguel ay namaalam sa edad na 34 lamang na maramhil kung siya ay nabubuhay pa ngayon ay malaki pa sana ang kanyang maiaambag sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Larawan mula sa mycast

Larawan mula sa mycast

Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***