Malamansyon na tatlong palapag na bahay ni Kris Aquino, sa wakas ay ipinasilip na sa publiko - The Daily Sentry


Malamansyon na tatlong palapag na bahay ni Kris Aquino, sa wakas ay ipinasilip na sa publiko



Larawan mula sa Real Living

Marahil karamihan saatin ay inaasam at pinapangarap na magkaroon ng sariling mala-mansion na bahay upang dito manirahan ng masagana kasama ang masayang pamilya.


Ang pagkakaroon ng malaking tahanan ay biyaya at tanda na ikaw ay nakaangat na sa buhay kumpara sa iba nating kababayan na kailangan pang umupa ng matitirahan dahil walang sariling tahanan.


Kung kaya talaga namang napakaswerte ng mga taong mayroong sariling tahanan na hindi na kailangang isipin ang bayarin o renta ng kanilang tinutuluyang bahay.


Isa na ang sikat na aktres na si Kris Aquino na hindi na niya kailangang iniintindi ang bagay pagdating sa matutuluyang bahay dahil sa kanyang pagbabahagi ay isinapubliko nito ang kanyang napakaganda at napakalaking tatlong palapag na bahay na tila mansyon.

Larawan mula sa scmp

Larawan mula sa scmp

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o nakilala sa pangalang Kris Aquino ay ipinanganak noong February 14, 1971 na nagmula sa mayaman at maimpluwensyang pamilya.


Dati nang nanirahan si Kris sa condo kasama ang dating karelasyon nitong si Philip Salvador ngunit hindi nagtagal ay lumipat si Kris kasama ang kanyang mga anak sa tatlong palapag nitong bahay na nakatayo ngayon sa Quezon City.


Mapapansin sa mala-mansion nilang bahay ang sobrang lawak at magarbo nitong mga kagamitan na talaga namang hindi biro ang nagastos dito.

Larawan mula sa Real Living

Larawan mula sa Real Living

Larawan mula sa Real Living

Ayon umano sa designer ng bahay, dahil sobrang laki at lawak ng nito ay kinailangan nila ng masusing pagsusuri dito upang masunod ang nais ni Kris na design at umayon ito sa Feng Shui na nais ng aktres.


Mapapansin na ang bahay ni Kris ay naglalaman ng matitingkad na kulay at ang pinto ay mayroong kulay berde na kulay at maroon ding lamesa kung saan nakalagay naman ang mga religious statue.

Larawan mula sa Real Living

Larawan mula sa Real Living

Larawan mula sa Real Living

Kapansin-pansin din ang dalawang Golden Buddha na nakapwesto sa pagitan ng dalawang silid.


Ang kwarto naman ng kanyang anak na si Josh ay may tema ng travel at explorer na mayroong napakalaking mapa sa dingding dahil ito umano ang hilig ni Josh.


Kung iisipin ay napaka-swerte nga ng kanyang mga anak dahil isinilingan sila sa mundo na sagana ang kanilang buhay, hindi tulad ng iba nating kababayan na marami ang naghihirap.

Larawan mula sa Real Living

Larawan mula sa Real Living

Larawan mula sa Real Living

Ang silid naman ng kanyang bunso na si Bimby ay mayroon drum set na kulay itim ang dingding at mayroon kaunting dilaw na nagbibigay tingkad sa buong kwarto.


***