Leo Martinez | Cherie Gil and Jay Eigenmann | Photo credit to the owner |
Ginulantang ang mundo ng showbiz noong nakaraang buwan matapos mabalitang pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie Gil sa edad na 59. Sa New York City binawian ng buhay si Gil dahil sa sakit na cancer.
Kasabay ng pagkagulat sa kanyang pagpanaw ay nagkaroon rin ng malawakang interes ang publiko na malaman ang mga detalye tungkol sa kanyang personal na buhay. Kilala kasi ang aktres na tahimik lamang pagdating sa kanyang buhay sa likod ng camera.
The late Cherie Gil | Photo credit to Manila Bulletin |
Hindi man raw lingid sa showbiz industry na ang aktor na si Leo Martinez ang ama ng panganay na anak ni Cherie Gil na si Jeremiah David 'Jay' Eigenmann, marami pa ring netizens at mga ordinaryong Pilipino ang nagulat at tila sadyang nahuli sa balita na nagkaroon pala ng relasyon ang dalawa noon at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
Paano nga ba nagsimula at nagtapos ang kanilang 'Love Story'?
Bago pa man raw makilala at ikinasal ang yumaong aktres sa ex-husband niyang world renowned Israeli violinist na si Rony Rogoff, ay nagkaroon na sila ng relasyon ni Martinez.

Photo credit to GMA |
Dahil parehong nasa showbiz, ay kinailangang itago ang kanilang relasyon sa publiko. Hanggang sa nagbunga nga ang kanilang pagmamahalan ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay rin.
Nagkaroon ng dalawang anak si Gil kay Rogoff na sina Bianca at Raphael na tulad ni Jay ay mga U.S-based din.
***
Ang aktres ay nakilala sa kanyang mga nagawang pelikula tulad ng “Oro, Plata, Mata,” “Gaano Kadalas ang Minsan,” “Sana, Bukas Pa ang Kahapon,” “Imortal,” “Bituing Walang Ningning” kung saan tumatak sa publiko ang linyang “You’re nothing but a second rate trying hard copy cat” kung saan ginampanan niya ang karakter ni Lavinia Arguelles at si Sharon Cuneta naman bilang si Dorina Pineda.
Ang pelikulang “Tia Madre” ang huling movie na nagawa ni Cherie in 2019. Last TV series naman niya ang “Legal Wives” sa GMA bilang si Zaina Guimba, nanay ng karakter na ginampanan ni Dennis Trillo na si Ismael Makadatu. Hindi na niya ito natapos nang bumalik siya ng New York kung saan siya binawian ng buhay.
Sinasabing hindi naman inilihim nina Cherie at Leo ang kanilang nakaraan. Sa katunayan, ay naka-follow sina Leo at kanyang anak na si Jay sa Instagram account ng isa’t isa at open ang communication nilang mag-ama.
Photo credit to Pep.Ph |
Samantala, hindi man sila nagkatuluyan ay parehong naman silang nakahanap ng kanya-kanyang mamahalin sa buhay muli.
Nagkaroon ng dalawang anak si Gil kay Rogoff na sina Bianca at Raphael na tulad ni Jay ay mga U.S-based din.
Photo credit to Pep.Ph |
Si Martinez naman ay napang-asawa ang kapatid ni Gary Valenciano na si Gina Valenciano.
Kabilang si Gina sa mga nagpahayag ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Cherie Gil. "No more pain…rest well dear Cherie," ayon sa kanyang Instagram post noong August 5.

Source: Pep.Ph