Ligwak sa Starbucks at Coffee Project noon, kumikita ng malaki ngayon bilang Head Barista sa Dubai! - The Daily Sentry


Ligwak sa Starbucks at Coffee Project noon, kumikita ng malaki ngayon bilang Head Barista sa Dubai!




Isyung usapin parin mula noon hanggang ngayon ang nakapahigpit na kalakaran at napakataas na standards ng karamihang kompanya dito sa Pinas. 


Halos kasi ng mga bukas na trabaho at posisyon na kaya naman sanang gampanan ng mga taong kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay laging mga college graduate with pleasing personality ang laging isa sa kanilang hinahahanap na kwalipikasyon. 


Kaya maraming mga magagaling at mga maabilidad na mga indibidwal ang hindi nabibigyan ng pagkakataon upang makapagtrabaho at kumita. 





Hinaing rin ng mga nakararami tungkol sa sobrang tataas ng standards at qualifications ang hinahanap nila sa kanilang mga aplikante at empleyado kapalit naman ang mababang pasahod at compensation. Parehong dahilan ng ibang mga kababayan Pinoy ang mas pinipili nalang mangibang bansa.  


Viral ang inupload na TikTok video ng isang pinoy na si @baristaswagg, kung saan ibinahagi niya kung papaano siya tinanggihan ng dalawa sa mga kilalang coffeehouse chain dito sa bansa para sa posisyon ng pagiging barista dahil umano sa kanyang pisikal na anyo at sa natapos niya sa pag-aaral 


"'Di ako tinaggap kasi dami ko tattoo at hindi ako college level," 




Kaya nang nagkaroon siya ng oportunidad makapag-aaply abroad para sa parehas na posisyon, walang kahirap-hirap ay natanggap at nakapagsimula na kaagad siya hindi lang basta isang barista kapalit ang mataas na sahod, bagay na hindi niya kikitain sa parehong trabaho dito sa bansa. 


"Nagpasa lang ako ng Resume/CV online, tapos pinagtrial lang ako. The next day may work na ako as Head Barista. 3k AED to 8k AED [katumbas ng] 45k PHP to 120k PHP barista offer dito sa Dubai," 3


Umabot na ng 3.4Million views at halos 300k reactions ang nasabing video. 



Parehas naman ang opinyon at nararanasan ng marami sa mga netizens sa hinaing ng pinoy na gumawa ng naturang TikTok video. 


"The problem is they judge how they see us not our capabilities, this kind of discrimination need changes," sey ni Mina Tabion Laydiline 


Komento naman ni Vince "Rejection is God's redirection. 💯 High standard yet offered low compensations. 😂😂😂


***

Source: Baristaswagg

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!