Sabi nga nila, ang lalaking may sense of humor ay madaling makakuha ng mga magagandang babae.
Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi lamang puso ng mga Pilipinong manonood ang nakuha ni Dolphy, kundi pati na rin ang ilan sa mga babae mula sa labas at loob ng showbiz.
Photo credit to the owner
Sa kanyang authorized biography na isinulat ng director-actress na si Bibeth Orteza, ay sinabi ni Dolphy na, “Ang mga talagang minahal ko, mabibilang sa daliri ng kamay. Huwag na nating bilangin ang naka-fling, at masisira ang abacus ng Intsik.”
FIRST LOVE
Nagsimula si Dolphy sa showbiz noong siya ay 19 years old pa lamang. Una siyang na-inlove sa babaeng nagngangalang Aida Javier.
Photo credit to the owner
“My first love was Aida Javier who came from a family of musicians. Mahusay siya mag-piano,” maiksing description ni Dolphy kay Aida.
THE KAPAMPANGAN GIRL
Si Engracita “Grace” Dominguez ay isang aktres.
Naging artista noon sa entablado si Grace at ang kanyang unang pelikula ay ang ‘Hiwaga ng Langit’ noong 1952.
Ayon kay Dolphy, “In our skit, she stood motionless, kunwari portrait, habang kinakantahan ko ng “Mona Lisa, Mona Lisa.”
Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ni Grace sa relasyon nila ni Dolphy, nagbunga pa rin ang kanilang pagmamahalan ng anim na anak.
Sila ay sina Manny, Salud, Rodolfo Jr., Freddie, Edgar, at Raul.
Photo credit to the owner
Tumigil sa showbiz si Grace upang ituon ang panahon sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang mga anak habang nagtatrabaho si Dolphy noon sa HongKong bilang isang comedian performer.
Sa kasamaang palad, naghiwalay pa rin sila ni Grace noong 1963.
Tatlo naman sa kanilang mga anak ang pumasok sa showbiz.
Pumanaw si Grace noong 2007 dahil sa isang malubhang sakit.
THE MEZTIZA GIRL
The kanyang biography, nabanggit ni Dolphy ang kanyang hilig sa mga meztiza.
“Hahagod ka no'n. Titingnan mo ang mga kamay, kung malinis; kung nakayapak, titingnan mo ang kuko. Wala akong foot fetish, pero kung may karumihan ang kuko, kita mo agad kung balahura. Maganda nga, pero balahura, bakit pa?”
Gloria Smith and son Geraldino / Photo credit to the owner
Kaya hindi na nakapagtataka na nagkagusto si Dolphy sa aktres na si Gloria Smith.
Nagkaroon sila ng apat na anak na sina Mariquita, Carlos, Geraldino, at Edwin.
THE MAY-DECEMBER AFFAIR
Edad 36 na noon si Dolphy nang makilala si Alice “Baby” Smith na 17-years old lamang.
“Artista rin siya, Pamela Ponti ang screen name,” sabi ni Dolphy.
Photo credit to the owner
Eric Quizon and Pamale Ponti / Photo credit to the owner
Nagkaroon sila ng apat na anak na sina Ronaldo, Enrico (mas kilalang Eric Quizon) Madonna at Jeffrey (mas kilala bilang Epi Quizon.)
Sa ngayon ay nakabase na sa California si Alice kasama ang kanilang anak na si Madonna.
Sila ang may ari ng restaurant franchise na “Pinoy/Pinay.”
NON-SHOWBIZ GIRL
Noong late 1960s ay nagkagusto ni Dolphy sa isang babae na hindi taga showbiz. Nakilala ni Dolphy ang nurse na si Evangeline Tagulao habang nag shu-shoot sila sa isang ospital.
Dolphy / Photo credit to the owner
Dolphy / Photo credit to the owner
Nagkaanak sila ng isa at pinangalanan nilang Rommel.
Si Rommel ay sumama sa kanyang ina nang mag-migrate sila sa America.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang komedyante patungkol kay Evangeline.
OVERLAPPING RELATIONSHIPS
Muling na-inlove si Dolphy sa mga taga showbiz. Nagkagusto siya sa veteran actress na si Pilar Pilapil na nakasama niya sa sikat na pelikulang ‘Facifica Falayfay’.
Pilar Pilapil / Photo credit to the owner
Pilar Pilapil / Photo credit to the owner
Nagkasama rin sila sa pelikulang ‘El Pinoy Matador’ sa Spain noong 1969.
Sa biography ni Dolphy ay nagbigay ng komento ni Pilar.
Aniya, “Dolphy's funny onscreen, but in person, he's very quiet.”
“A gentleman. Thoughtful. Attentive. Without knowing it, at that time I had a need for a father image. He was loving, and so very focused on taking care of me. I was like a little girl, so happy,” dagdag nito.
Taong early 70s’ naman ay nakarelasyon rin ni Dolphy ang isa pang aktres na si Lotis Key.
Lotis Key / Photo credit to the owner
Lotis Key and Dolphy / Photo credit to the owner
“I also almost married her,” sabi ni Dolphy.
Inamin rin ng aktor na ang mga naging babae niya ay minsan nagkakasabay-sabay.
“Ang mga babae ko, kadalasan nagkakasabay-sabay, nag-o-overlap sila.”
Ayon kay Lotis, nagsimula raw marahil ang kanilang pagtitinginan ni Dolphy dahil magkaiba silang dalawa.
"I think we were attracted to how very different we were from one another. We traveled together, made movies together and had a lot of crazy, laughing times.”
Hindi nagkatuluyan sina Dolphy at Lotis at sa ngayon ay nakabase na sa Minnesota.
TITSER’S PET
Noong 1981 ay nakatrabaho ni Dolphy si Alma Moreno na noong mga panahong iyon ay karelasyon ang action star na si Rudy Fernandez.
Alma Moreno / Photo credit to the owner
Alma Moreno / Photo credit to the owner
Ginawa nila ang pelikulang ‘Titser’s Pet’, at habang ginagawa nila ito ay nakipag-hiwalay si Alma kay Rudy at doon nagsimula ang relasyon nila ni Dolphy.
Nagkaroon sila ng isang anak, si Vandolph.
Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Taong 1989 nang iwan ni Dolphy si Alma sa HongKong.
Dolphy and Vandolph / Photo credit to the owner
Dolphy, Alma and Vandolph / Photo credit to the owner
Nagpalabas din ng farewell letter si Alma para kay Dolphy at ibinigay ito sa press.
Ipinaliwang din ni Dolphy sa kanyang biography kung bakit hindi nag work-out ang relasyon nila ni Alma.
“Ang nahirapan ako, do'n sa lifestyle niya. Hindi ko type ang palaging may tao sa bahay, mula umaga hanggang madaling-araw.”
“Ibig kong sabihin, ok ang magkabisita, ang dalawin ka ng mga kaibigan mong reporter, pero naging araw-araw na ‘yon, at hindi lang dito sa Manila.”
GREATEST LOVE
May mga usap-usapan noon na si Zsa Zsa Padilla ang dahilan kung bakit iniwan ni Dolphy si Alma.
Zsa Zsa Padilla and Dolphy / Photo credit to the owner
Zsa Zsa Padilla and Dolphy / Photo credit to the owner
Ayon kay Dolphy sa kanyang biography, “Nang naging kami ni Zsa Zsa, nabulabog ang buhay namin. Nawalan ako ng show; tinanggal ang mga commercials ko. At that time, we seriously thought of living in the States. Nakabili na nga kami ng bahay doon, eh.”
Nais daw magpakasal noon nina Dolphy at Zsa Zsa pero tila palaging meron daw humahadlang upang huwag itong matuloy hanggang sa hindi na nila ito naging priority.
“Actually kami, hindi na namin inasahan ‘yan tutal ganun na rin naman ang pagsasama namin, e, na parang higit pa sa ikinasal, e. So, hindi ko na [iniisip]. Kung matuloy, matuloy. Kung hindi, e, di hindi kasi kami gano’n na rin naman ang attitude namin, e,” sabi ni Dolphy.
Dolphy and Zsa Zsa Padilla / Photo credit to the owner
Zia and Zsa Zsa Padilla / Photo credit to the owner
Nagkaroon ng anak sina Dolphy at Zsa Zsa, si Zia. May adopted daughter rin sila na si Nicole.
Nanatili si Zsa Zsa sa tabi ng Comedy King matapos itong ma-diagnose sa sakit na chronic obstructive pulmonary dis3ase (COPD). Ilang buwan ding nakipaglaban si Dolphy sa kanyang sakit.
Labis din ang pasasalamat ng mga anak ni Dolphy kay Zsa Zsa dahil hindi nito iniwan ang kanilang ama hanggang sa pumanaw ito noong July 10, 2012.
Maging ang dating nakarelasyon ni Dolphy na si Alice Smith ay nagpasalamat kay Zsa Zsa dahil sa pagmamahal na ipinakita nito.
Zia and Zsa Zsa Padilla / Photo credit to the owner
“Nagpapasalamat din ako kay Zsa Zsa na nandiyan siya at di bumibitiw sa paglingap kay Dolphy.”
Si Dolphy ay may 18 na anak ngunit hindi siya ikinasal.
Ayon sa PEP, nang ikinukwento ni Comedy King ang kanyang buhay sa author ng kanyang biography na si Bibeth, ay humihingi siya ng tawad sa kanyang mga pagkukulang noon.
“Actually he's very sincere and consistent in saying na humihingi siya ng tawad kung may mga nasaktan man siya. Lagi niyang sinasabi na kung may nasaktan man siya, hindi niya talaga sinasadya.”
Samantala, mahigit tatlong daang milyong piso ang naiwang ari-arian ng comedy king. Iyon ang kanyang naipundar sa loob ng maraming taon niyang pagiging isang artista.
Karamihan daw diyan ay real estate properties sa kung saan-saan na ngayon ay ipinau-auction na ng kanyang mga anak.
Sinabi ni Eric Quizon na ipagbibili na nila ang properties na iyon para maituloy ang commitment ng Dolphy Foundation na magbigay ng scholarship ng mga deserving na kabataan. Ang iba naman ay hahatiin daw nang pantay-pantay sa lahat ng 18 anak ni Mang Dolphy. Pero niliwanag nila, ang mga anak lamang ang makakahati sa kanilang share.
Wala isa man sa ina ng mga anak ni Dolphy ang makakaparte sa kung anumang mapagbibilhan ng mga ari-arian.
***
Source: PEP