Remedios Dancel ang tunay na pangalan ng tinaguriang "Prima Contravida" na si Bella Flores na isinilang noong February 27, 1929, sa Sta. Cruz, Manila.
Si Bella ay fourteen years old lang nang magsimula sa showbiz at kalaunan ay nakilala ang kanyang pangalan bilang pagiging kontrabida dahil sa epektibo niyang pagganap.
Ayon sa ulat ng PEP, tumagal ng 62 taon ang karera ni Bella sa industriya ng showbiz. Siya ay unang lumabas sa pelikulang Balaraw noong 1950.
|
Larawan mula sa Pinterest |
Matapos ang kanyang screen test sa Sampaguita Pictures, nabigyan siya ng apat na taong kontrata. At ang kanyang unang malaking role ay ang kanyang pagganap sa Robert taong 1951 bilang isang salbaheng step mother ng mga batang aktor noon na sina Tessie Agana at Boy Alano.
|
Larawan mula sa Pinterest |
Ang kanyang mga naging pelikula sa Sampaguita ay ang Bernardo Carpio (1951), Batas ng Daigdig (1951), Rebecca (1952), Kerubin (1952), at ng Asawa Kong Amerikana (1953).*
Kahit wala na sa Sampaguita ay pinagpatuloy pa rin ni Bella ang kanyang pagganap bilang kontrabida.
At ayon pa sa IMDB, nanalo sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) si Bella ng best supporting actress award sa kanyang pagganap sa "Kaibigan ko'ng Sto. Nino" noong 1967. At siya ay nanominate naman para sa "Kilabot sa Makiling" (1959), at "Mga Batang yagit" (1984).
Binigyan din siya ng parangal ng Olongapo Film Festival dahil sa husay ng kanyang pagganap sa pelikulang "Dugo ng Bayan" (1973).
Nakakuha din si Bella ng Lifetime Achievement Award mula sa Film Academy of the Philippines noong 1989.
|
Larawan mula sa GMA |
Taong 2013 ay sumakabilang-buhay ang premyadong aktres sa edad na 84.
Napagalaman na may diabetes si Bella at nagkaroon ng mga kumplikasyon ang kalagayan niya nang sumailalim siya noon sa hip surgery.
Nagkaroon din siya ng Alzheimer's disease at naging bed-ridden hanggang sa kanyang kamatayan.