Kai Sotto, pumalag sa hindi pagpayag ng SBP na maglaro sa liga sa ibang bansa ang kapwa Gilas player nito. - The Daily Sentry


Kai Sotto, pumalag sa hindi pagpayag ng SBP na maglaro sa liga sa ibang bansa ang kapwa Gilas player nito.



Sa umiinit na usaping hinahadlangan di umano ng SBP o Samahang Basketball ng Pilipinas ang paglipad at pagpunta ng ilang local basketball players abroad para maglaro sa mga foreign leagues ay hindi na nakapagtimpi at pumalag na ang 7 footer Filipino NBA hopeful na si Kai Sotto.


"THIS HAS TO STOP" pahayag ng 20 years old rising star.



Dahil sa dumaraming bilang ng mga pinoy hoopers na naglalaro sa mga liga sa ibang bansa, lumalaki lalo ang interes ng mga international scouts sa talento ng mga basketbolerong pinoy upang mapabilang at maging import ng kani-kanilang koponan.

At ang pinakahuling prospect nga ng foreign team na Samsung Thunders mula Korea ay ang 25 year old Gilas Player at PBA Rookie na si Will Navarro.

CTTO | Facebook Public Photos

CTTO | Facebook Public Photos


Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nabigyan ng clearance ng SBP dahil sa kanyang existing contract sa Gilas Pilipinas.

Kaagad na umaalma si Kai pati na rin ang ilang local players na kasalukuyang naglalaro sa ibang bansa.

"I’m sorry but this is crazy. THIS HAS TO STOP. You got players who’ve been working hard and dreaming to play basketball at the highest level they can reach and we got our own people stopping us from achieving greatness." -Kai Sotto

CTTO | Facebook Public Photos


Nagsalita rin ang dating higante ng Ginebra na si Greg Slaughter. "TOTAL BS and crab mentality at its highest. The PBA slammed the door on me and my family DAYS BEFORE my daughter was born. I played seven years and publicly made myself available to the NT. Respect the true ethics of the game of basketball and FAIR COMPETITION,"

Greener pasteur o mas malaking salary offer at mas malawak na karanasan ang nakikitang dahilan ng paglipat ng mga pinoy player sa abroad.

Ngunit hindi naman hangad ng SBP na harangin ang mga ganitong oportunidad sa mga lokal na manlalaro. Iginiit nito na bilang player, kailangan matuto ang mga ito partikular na si Will na bigyang importansya ang kanilang mga kontrata.

CTTO | Facebook Public Photos


"The SBP does not intend to unduly prevent players from furthering their careers with other teams here or overseas. But it is a findamental and ethical practice for players to honot their existing contract with their mother teams." Pahayag ng SBP.

Bukod kay Kai na naglalaro sa Australia, ilan pang pinoy overseas basketball player gaya nina Kobe Paras, magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena ang kasalukuyang naglalaro sa mga liga sa Japan, Korea, Taiwan atbp.