Marami sa mga kabataang mag-aaral ngayon ang kahit papaano ay masuswerte na sa buhay dahil sa maayos na pamumuhay ng kanilang pamilya, kaya't nakakakuha sila ng sapat na suporta para sa mga pangangailangan nila sa pag-aaral. Katulad nalang ng mga susuuting damit at sapatos, uniporme, pangkain at baon sa araw-araw, at iba pa.
Ngunit marami rin sa mga mag-aaral na tanging pagisikap at sipag lang ang baon sa pagpasok nila araw-araw sa eskwela, marahil madalas tinitiis ang kumakalam na sikmura.
Nahabag lahat ng mga nakakakita sa video na inupload ng isang guro mula sa Janipaan Elementary School, San Agustin, Surigao del Sur tampok ang 3 niyang mga batang estudyante na aniya'y laging tinitiis nalang ang gutom sa paaralan dahil walang mga baong pagkain.
"Nakakaawa palagi itong mg batang 'to, kasi pumapasok na walang mga baon pangtanghalian nila. Nagtitiis lang sa gutom," ayon pa sa gurong si Icy.
Kaya siya bilang guro at ina sa kanyang mga sariling anak, hindi niya kayang tingnan lang ang mga batang walang kinakain habang naghihintay ng kanilang klase, kaya kasama niya na ang mga ito palagi sa kanyang pang araw-araw na budget sa pagkain.
"Masakit sa damdamin ang makita silang hindi kumakain ng tanghalian dahil walang mga baon. Malalayo pa ang mga bahay nila sa paaralan,"
Makikitang sa mata ng tatlong bata ang saya habang pinagsasaluhan ang isang malaking plato ng kanin at pinaghahati-hatian ang isdang ulam.
Nang tinanong ni Icy ang mga ito kung bakit hindi sila pinabaunan ng nga magulang ng pagkain, yun ay dahil wala din daw pera ang kanilang mga magulang.
Dagdag pa ng guro, pumapasok din ang mga ito na walang mga suot na tsinelas at mga nakapaa lang.
Marami sa mga netizens ang pinasalamatan at hinahangaan siya sa kanyang kabutihan hindi lang basta isang simpleng guro ng mga bata kundi bilang magulang narin sa kanla.
"Sila ang mga adopted ko na mga anak sa paaralan,"
Agad na nagviral ang TikTok video ni Ma'am Icy na umabot na halos kalahating million ang views. Marami ang nagpabatid ng mga positibong reaksyon at mga gustong mag-abot ng tulong sa mga pangangailangan ng mga bata.
***
Source: maamicy87
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!