Actor John Regala | Photo credit to PEP |
Isa sa kanila ay si John Regala. Tiyak na marami ang nakakakilala sa kanya dahil palagi niyang ginagampanan ang mga “kontrabida” sa mga pelikula at teleserye.
Photo credit to ABS-CBN |
Sinasabing ngayon ay naghihirap na ang aktor dahil wala na itong hanap-buhay. Bukod pa diyan ay nagdurusa raw ito sa cirrhosis, isang malubhang sakit sa atay.
Matatandaan na noong 2020, nag-viral sa social media si John matapos kumalat ang mga larawan niya na nakaupo sa tabi ng isang street food stall. Hawak ang isang maliit na bag, ang aktor diumano ay hinang-hina dahil sa gutom at pagkahilo. Hindi na rin raw ito makapagsalita ng maayos, nauutal at nanghihingi ng tulong.

Isang Grab rider ang nakakita sa kanya kaya ibinahagi nito ang larawan ng aktor sa social media. Mabilis naman itong pumukaw sa atensyon ng mga netizens gayundin sa mga kaibigan ni John sa showbiz.
Unang-unang nagpaabot diumano ng tulong sa aktor ang kaibigan nitong aktres na si Nadia Montenegro.
Ani Nadia, noong mga panahong iyon, nagtungo raw si John sa Pasay upang humingi ng tulong at pumunta sa isang kaibigan. Sa loob raw kasi ng 13 araw ay hindi pa kumakain ang aktor. Sa tuwing kakain raw kasi ang aktor ay isinusuka lamang nito kaya ninais niyang magpaswero na lamang.

“Medyo may problema na yung arms niya medyo hindi na napapasukan ng karayom… so nagpa-suwero siya kasi nag-worry siya na hindi na siya nakakakain.”, sabi ni Nadia.
Mabuti na lamang raw ay humingi ng tulong si Grab rider sa Barangay Tanod at siniguro na makabalik ito sa tinitirhan.

Napag-alaman na nakikitira na pala ito sa Iglesia ni Kristo kung saan matagal ng myembro ang aktor. Kaya raw nahirapan silang makapasok roon, ani Nadia dahil medto istrikto ang lugar.
Photo credit to ABS-CBN |
“Kaya medyo hirap na hirap kami kasi medyo strict eh. Naka lockdown yung building niya, hindi nila alam kung paano siya nakaalis,” pahayag ng aktres.
Sa tulong ng kaibigang doktor ni Nadia ay ipinasuri nila si John. “We made an initial check up on him, he was kind of bloated. His liver was not doing well due to cirrhosis. But his kidneys and everything are okay. So malakas pa rin siya nakakapaglakad pero hingal na hingal, pero putok-putok na rin yung fingers niya eh dahil sa diabetes and sa gout.” dagdag ni Nadia.
Bukod kay Nadia ay may iba pang kaibigan sa showbiz si John na tumulong rin dito ngunit nagkaroon diumano ng isyu sa gitna ng tulong na natatanggap niya. Sinabi raw nito na wala siyang natanggap na pera mula sa donation drive para sa kanya.
Kaya naman dahil doon ay itinigil na din nila Nadia at ibang pang kaibigan at tulong at suporta sa aktor.
"Out of our love and deep concern about his deteriorating health, we have gone out of our way to look after him the past few weeks. During this time, we worked together, seeking the help and assistance of others in order to tend to all of John’s immediate needs, and to get him proper care," pahayag ng kanyang mga kaibigan.
Photo credit to ABS-CBN |
“Sadly, no amount of effort on your part can help a very uncooperative and difficult individual. John’s terrible habit of constant and abusive self-medication is something we cannot condone nor tolerate.”, anila.
***
Ipinanganak na John Paul Guido Boucher Scherrer, ang beteranong kontrabida sa screen ay anak ng aktor na si Mel Francisco kay Ruby Regala. Si John ay may lahing Espanyol, Aleman, Italyano, at Pranses.
Ayon sa isang news magazine, lumaki si John na malayo sa kanyang mga magulang at pinagmamalupitan ng mga kaanak na kumuha sa kanya sa Quezon. Nang bumalik ang kanyang ina, dinala siya nito sa Marikina kung saan nagsimulang magtrabaho ang binata upang tumulong sa mga gastusin. Noong una ay ninais ni John na maging sundalo, at nagsanay para maging jungle fighter sa Mindanao. Ngunit bago ang kanyang deployment ay nag-AWOL diumano siya.
Matapos ay naisipan raw ni John na pumasok sa showbiz at nakiusap sa mga direktor na i-cast siya bilang extra. Bagamat nagsimula siya sa variety show na That's Entertainment, ang karera ni John sa showbiz ay nagtagumpay bilang kontrabida sa 90s action movies.
Ngunit dahil sa mga personal na problema at pagkalulon sa ipinagbabawal na gamot, ay unti-unting nawala ang kanyang mga proyekto. Sinabayan pa ng pandemya kaya lalong nawalan na ito ng pagkakakitaan. Ang huling palabas ng aktor ay ang Ang Probinsyano ng ABS-CBN, kung saan gumanap siya bilang Cong. Randolf Subito.
Sa ngayon, hindi lamang hirap sa pinansyal ang dating aktor na si John, mag-isa rin siyang dumaranas ng pagsubok sa kalusugan. Malungkot ang kanyang personal na buhay dahil hindi na nito kapiling ang pamilya at nag-iisa na lamang sa buhay ngayon.
Source: ABS-CBN