Jimmy Santos, sumabak sa paghahalo ng semento! Sinubukan ang pagiging contruction worker. - The Daily Sentry


Jimmy Santos, sumabak sa paghahalo ng semento! Sinubukan ang pagiging contruction worker.



Pinasok ng 70-anyos na si Jimmy Santos ang mundo  ng mga construction worker. Nais kasi nitong ibahagi sa kanyang mga manonood kung gaano kahirap at kabigat ang trabaho ng ito.

Kahit nga iika-ika na ay nakipagsabayan parin sa mga batak na batak ng mga trabahador ang komedyanteng si Jimmy Saints.




Simula nga ng hindi na ito napapanood sa noontime show na Eat Bulaga! ay sinsubaybayan na siya ng kanyang mga tagahanga sa kanyang YouTube channel na 'Jimmy Saints.'

Marami ang natututwa sa mga uploaded videos niya rito dahil sa bukod na ipinapakita niya ang mga nangyayari at mga kahalagan ng mga tipikal na trabahong pilipino ay sinusubukan niya mismo ang mga ginagawa ng mga ito.

Minsan na nitong sinubukang gumawa ng uling, maging barker ng jeep, magtinda sa palengke at iba pa.

Jimmy Saints | YouTube


At sa pagkakataon ngang ito ay ang pagco-construction naman ang kanyang napiling hanap-buhay.

"Talaga namang lahat ng trabahao ay napakahirap" hinihingal na sambit ni Mang Jimmy habang naghahalo ng semento.

Mula laborer, karpintero, foreman at iba pang mga tauhan na bumubuo sa trabahong ito ay isa-isa niyang kinapanayam upang usisain ang buhay construction.

Bukod sa hirap ng trabaho, ang ilan sa kanila ay nakatira pa sa malalayong lugar. Kaya imbis na umuwi sa kanilang mga pamilya ay mayroong munting tahanan ang mga ito na kung tawagin ay 'barracks' na kadalasang  nasa loob o gilid ng contruction site.

Ito ang kanilang nagsisilbing pahingahan, kainan at tulugan hanggang sa matapos ang kanilang ginagawang gusali.



Sipag at tatag ng katawan ang kailangan puhunan sa trabahong ito. Sila rin ang kadalasang halimbawa ng mga tao na kahit hindi man kataasan ang antas na natapos sa pag-aaral, pinapalitan naman nila ito ng diskarte at abilidad upang mabuhay.

Si jimmy Santos ay naging isang baketbolista bago pa man nito pasukin ang mundo ng showbiz. Mula taong 1970 magpasahanggang ngayon ay larawan pa rin ito ng isang simpleng mamamayan na ang tanging nais ay ang makapaghatid ng tuwa at kaalaman sa kanyang mga taga-subaybay.