Isang matanda, 10-years ng naninirahan sa sementeryo matapos tangayin ng baha ang bahay! - The Daily Sentry


Isang matanda, 10-years ng naninirahan sa sementeryo matapos tangayin ng baha ang bahay!




Kumurot sa puso ng mga netizens ang nakitang hirap na sitwasyon ng isang matanda na naninirahan mag-isa sa sementeryo. Walang kasamang anak, at nauna ng sumakabilang buhay ang asawa. 


Kinahahabagan ng marami ang post ni Leonesa Castro tungkol sa nakita nilang Lolo na naging tahanan na ang puntod sa sementeryo sa loob ng sampung taon.


"Kalooban talaga to ng Diyos na sa bagong trabaho ng aking asawa, dito siya na assign sa pag-wewelding sa public cemetery dahil lahat ng ito ay may rason para kay Tatay," saad niya sa caption.




Napag-alaman nilang mag-isa nalang sa buhay ang halos buto't balat nalang na matanda. Mahigit isang dekada ng naninirahan sa isang pampublikong sementeryo sa  Compostela Davao de Oro matapos umanong tangayin ng malakas na pagbaha ng Bagyong Pablo ang tinitirhang bahay noon.  


Kung tayo man na kumpleto ang mga bubong at nasa loob ng komportableng pamamahay ay iniinda kung minsan ang malamig at mainit na panahon, paano pa kaya si Tatay na bukas, at tagusan lang ang tinitirhan habang nasa ibabaw lang ng nitso natutulog. 


Dahil sa tagpo na kanilang naabutan sa sitwasyon ng matanda, isang repleksyon ang nasasa-isip ni Leonesa, kahit mag-isa, walang maayos na tirahan at hanapbuhay ang matanda ay nagawa parin nitong mag-survice. 



"Nabuhay ka diyan sa loob ng 10 years dahil kasama mo ang Diyos, nakaalalay sayo. 


"Nagtitiis ka man sa paghihirap ngayon, pero baka ito rin ang magiging dahilan na makakaalis kana sa kinalalagyan mo ngayon."


Narito ang kabuuan ng kanyang post:


Magandang araw sa lahat ♥️ Kalooban talaga to ng Diyos na sa bagong trabaho ng aking asawa, dito siya na assign sa pag-wewelding sa public cemetery dahil lahat ng ito ay may rason para kay Tatay. 


Bigyan natin siya ng pansin at ishare para mas marami ang makakakita sa sitwasyon niya ngayon. Katulad ng kanyang mga sinabi, 10 years na siya diyan sa punto nakatira. mula pa noong bagyong pablo dahil inanod daw ang bahay niya. 



Diyos ko. Malamig nga minsan para sa atin na nasa loob tayo ng ating bahay si Tatay pa kaya na walang higaan. Habang kinukwento 'to ng aking asawa na si Puricimo Clata Castro, naninikip ang aking damdamin sa awa pero malaki ang naging repleksyon namin sayo Tay, nabuhay ka diyan sa loob ng 10 years dahil kasama mo ang Diyos, nakaalalay sayo. 


Kung sinasabi nating naghihirap tayo, may mas sobra pa ang pinagdadaanang problema sa atin. Pero ito si Tatay lumalaban sa buhay. Ito rin ang dapat nating tularan. Nagtitiis man siya paghihirap ngayon, pero baka ito rin ang magiging dahilan na makakaalis kana sa kinalalagyan mo ngayon. 


Mayaman man tayo o mahirap, kung kalooban nating makapagbigay kahit sa maliit na halaga. Wala na siyang mga anak at patay na rin ang asawa niya. 


Raffy Tulfo in Action ♥️

Location Compostela Davao de Oro Public cemetery


***

Source: Leonesa Castro

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!