Isang Engineer, dismayado sa live-in partner matapos ma-scam at mabawasan ang laman ng halos ₱100k na ipon sa alkansya. - The Daily Sentry


Isang Engineer, dismayado sa live-in partner matapos ma-scam at mabawasan ang laman ng halos ₱100k na ipon sa alkansya.



Labis ang pagsisisi ngayon ng isang engineer na hiniling na itago ang kanyang pagkakakilanlan. Hindi na kasi nito napigilang ibahagi ang kanyang karanasan dahil sa sobrang pagkadismaya.

Humihingi ito ngayon ng payo dahil hindi na nito alam ang kanyang gagawin, parang gusto ng sumuko at halos gabi-gabi ng hindi makatulog sa kakaisip sa issue na nangyari sa  kanilang dalawa ng kanyang live-in partner.




Ang kanyang misis ay isang call center agent at meron silang anak. Ayon sa engineer na mister, kung susumahin ang kanilang kabuuang sahod sa isang buwan ay aabot ito sa P50k. Pero dahil madalas ang kanyang overtime ay tinatayang hihigit pa ito sa P70k o P80k sa isang buwan.

Dahil sa nakagawian natin na si misis ang kumander, ipinagkatiwala nito sa kanya ang pagbabadyet at mula pa noong kasagsagan ng pandemya ay ito na ang pinapahawak niya ng kanyang ATM.

CTTO | Facebook Public Photos


Pero makalipas ang isang taon, kahit pa may kalakihan ang pinagsamahang sahod nila sa isang buwan ay wala silang naipon. Sobra sobrang gastos sa pagkain at halos araw-araw na delivery mula shopee ang itinuturo nito kaya wala silang naipon.

"wala po kaming savings as in 0php savings po kami dahil everyday may shopee po nadumadating sa bahay namin para sa anak namin minsan naman nag oover meal kami kumbaga takaw tingin lang kaya hindi po kami nakakaipon." ani engineer.

Dahil dito, binawi niya kay misis ang ATM at ipinaliwanag ang kagustuhang maging masinop at matalino sa paggastos para sa kanilang kinabukasan. Hindi na rin niya pinakielaman ang sweldo ni misis, bonus na lang aniya kung magbibigay ito.

"Nilagay ko po sa alkansya yung perang naiipon ko at hindi ko po nilihim sa kanya dahil inexplain ko para sa future namin yon at bubuksan by December. After 6months nakapag ipon po ako ng 100k sa alkansya."

CTTO | Facebook Public Photos


Habang nag iipon si engineer ay may nadiskubreng investment ang kanyang live-in partner. Ngunit kahina-hinala ang set-up nito kaya hindi siya pumayag. Ngunit naging mapilit ang babae kaya pinayuhan niya ito na mag-invest lang ng naayon sa tama.

Tama ang hinala ni engineer, isa itong investment scam at nabiktima sila. Pero ang malala pa dito ay ng malaman niyang P50k ang ininvest ng kanyang partner. 30k na salary advance at ang 20k naman ay inutang sa bumbay.

Gaya ng inaasahan ay nagalit ito, parang hindi pinakinggan ang payo niya ng mag-invest ng naayon sa tama, yung halaga lang na kaya mong mawala.

Gayunpaman, hindi nito hinayaan na sobrang manlumo sila sa nangyari at tinulungan ang live-in partner na makabawing muli.

"Pero after nong galit niredeem ko agad yung confidence nya by sending  support mental, emotional, and financial. Dahil nakakadown nga naman na ma scam."

CTTO | Facebook Public Photos


"Kaya binayaran ko po yung utang nya sa bumbay na 22k ng cash dahil kung hindi, tutubo po ng 28k in 3months and yung hatian namin sa bills ako muna nag shoulder lahat."

Dumating sa punto na kinailangan na ni engineer ang pera kaya naisipan nitong buksan na ang kanyang alkansya. Ngunit pilit na pinipigilan ito ng partner dahil nahihiya na daw ito sa kanya dahil sa kapalpakang kanyang nagawa.

Pero desidido na ang engineer na tuluyan ng buksan ang alkansya upang sa ganun ay matulungan din si misis na mabayaran ang salary advance nito. Tutal ay may 84k naman itong inaasahan na ipon sa loob ng kanyang alkansya.

Dito na nangyari ang mas nakakapanlumong tagpo. Laking gulat nito nang makitang P39k na lang ang laman ng alkansya.

"Kaming dalawa lang po ang nakakaalam ng alkansya na yon. Kaya alam ko sya po ang kumuha, I feel so betrayed." Ito ang pahayag ng dismayadong engineer.

CTTO | Facebook Public Photos


Sobrang pagkabalisa at kalituhan ang naging dahilan kaya ibinahagi niya ang kanyang kwento sa Facebook page na CFO PESO SENSE.

Karamihan sa mga payo na natanggap nito ay bigyan ang kanyang live-in partner ng tsansang magbago. Ipaliwanag sa kanya ang kanyang kamalian at tulungang itama ang lahat alang-alang sa kanilang anak.