Maraming kwento at kanya-kanyang mga pinag-dadaanang hamon ang bawat estudyante sa pagtahak nila at pag-abot ng kanilang pangarap na makapagtapos at ang matamasa ang magandang kinabukasan.
Tunay na kahanga-hanga para sa mga estudyanteng hindi isinuko ang kanilang kinabukasan sa kahirapang kinakaharap ngayon. Kanya-kanyang diskarte at hanap ng paraan para makapag-aaral.
Nagbukas ng maraming realisasyon sa buhay ni Barry Anthony Cajes, isang guro mula Kauswagan National High School sa bayan ng Trinidad, Bohol nang masaksihan niya ang dalawa sa kanyang mga estudyante na sina sina Ruel at Rayven, kapwang Grade 8 students at ang kapatid ni Ruel na si Reyjie, na isang Grade 9 student na kumakain sa likod ng paaralan.
"After eating my lunch, I decide na maupo malapit sa may bintana, umaasang makasagap man lang ng signal,"
"To my surprise, ito ang aking nakita. Our students eating their lunch. Ang dalawa nag share ng food, they dont have much food, maraming rice, kaunti lang ang ulam.
"Doon ako medyo naantig sa part na ung ulam nila ay maliit na hotdog at gulay na nilagyan lamang ng harina. Pero kahit ganun pa man, nakitaan ko pa rin sila ng kasiyahan,"
Naantig ang puso niya ng mapansin niyang dinadamihan nalang nila ang pagkain ng kanin sabay kurot ng kaunti sa ulam para lang magkasya sa kanila.
"I watch them eat their lunch, subo ng maraming sa kanin tapos kuha kaunti sa hotdog, mangiyak-ngiyak akong nanunuod sa kanila,"
Kahit pa man sa kanilang kaunting baon ay hindi ito nakikitaan ni Barry ng kahit kaunting reklamo, bagkus ay kitang-kita niya sa mga bata na masayang pinagsasaluhan ang kung anong meron sila.
"They dont complain, they happily eatin their baon,"
"Life may not be fair, most of the time others will say its unfair. Seing them enjoying their lunch, I said to myself; It's us who is incharge of creating best memories, its us who will create our happiness and its a matter of how we deal with the situation,"
"Whatever the circumstances are, choose happiness over sadness, positivity over negativity. After all life is worth living,"
***
Source: Barry Anthony Cajes
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!