Hanggang saan lang ba ang saklaw ng mga guro pagdating sa pagtuturo at pagbibigay kaalaman at pagdidisiplina sa kanilang mga estudyante?
Isang viral post ngayon ang mainit na pinagdedebatihan ng mga netizens sa kung sino ang dapat sisisihin at kung alin ang tamang gawin ng mga guro, at papel ng mga magulang sa paghawak ng ibat-ibang klaseng pag-uugali ng mga mag-aaral.
Bumuhos ang galit ng isang magulang sa kanyang post tungkol sa ginawa umano ng guro sa kanyang anak na di umano'y sinaktan ng pisikal kaya na naging sanhin ng pagkatrauma nito.
"Na trauma siya p***** i** ka Antonio C. Dagani Integrated School, teacher niya si Ma'am Ondoy,"
Nagbahagi rin siya ng mga kuhang larawan ng tila namumulang tenga ng anak na hinala ng marami ay piningot daw ng guro. Handa rin umano siyang gawin ang lahat ng aksyon laban sa guro.
"Hindi ko to mapapalampas. Magkita tayo sa DSWD dahil sa ginawa mo,"
Aniya pa, kahit ano pa man ang pagkakasala ng anak niya ay hindi tamang saktan na ito.
"p***** i** na guro. Wala kang bibnigay ni piso sa akin para gawin mo to. Pinatay mo nalang sana,"
Burado na naturang post ngayon, pero halo ang mga naging reaksyon ng mga netizens hinggil sa isyung ito.
Marami naman ang mga nagsasabing tila nagiging OA na ang mga magulang ng mga bagong henerasyon, kumpara noon na matindi ang pagdidisiplina ng mga guro sa mga estudyante bilang parte ng pagdidisiplina at pagtuturo ng wastong pag-uugali.
Komento naman ng kabilang panig na suportado nila ang hinaing ng magulang dahil wala nga rin naman umanong karapatan ang ating mga guro na saktan ang kanilang mga anak.
***
Source: Charles Darwin Salde
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!