Larawan mula sa alchetron |
Si Hilarion "Larry" Cuenca Silva o nakilala sa pangalang "Pipoy" ay ipinanganak noong October 21, 1937 sa Sta Cruz, Manila. Siya ay isang beteranong aktor, comedian, boxer at politician.
Si Pipoy na naunang pumasok sa pagiging boksingero bago pa man madiskubre bilang isang artista.
Si Larry Silva umano ay kilala bilang isang tigasin sa kanilang lugar sa tunay na buhay at mahilig siya sa bakbakan kung kaya naman nakahiligan din nito ang sports na boxing.
Marami umanong umiiwas kay Pipoy dahil natatakot silang mapalaban dito dahil sa angkin na lakas nitong sumuntok, kung kaya hindi naman nakakapagtaka na pagboboksing ang nakahiligin niyang libangan noong araw.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Bata pa lang si Larry ay talaga namang makikita na ang pagkakaiba ng malaki nitong pangangatawan kung ikukumpara sa kanyang mga nakakasabayang bata.
Marahil hindi alam ng mga tao na noong kabaataan pa ni Pipoy ay naging bouncer siya sa ibat-ibang club sa Maynila. Maagang nagtrabaho si Pipoy kung kaya hindi ito nakatapos sa pag-aaral.
Bago pa man makilala si Pipoy sa telebisyon bilang isang nakakatawang komedyante ay madalas na kontrabida ang ibinabato sa kanyang role.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Hanggang lumipas ang ilang taon ay nadiskubre ang natural na talento ni Larry Silva sa pagpapatawa nang minsan na makasama niya sa isang pelikula si 'Bossing' Vic Sotto.
Nagustuhan ni Pipoy ang buhay sa showbiz at tuluyan na niyang iniwan ang pagiging siga-siga sa mga lansangan.
Simula noon ay palagi nang nakakasama ni Vic Sotto si Pipoy sa kanyang mga pelikula.
Gumanda ang karera ni Pipoy sa larangan ng pelikulang Pilipino dahil bentang-benta sa mga manunuod ang nakakatawa niyang dating sa pag-arte.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Dahil sa pagiging tanyag ni Pipoy sa kanilang lugar ay tumakbo ito bilang isang Kapitan sa kanilang barangay at pinalad naman itong manalo at maglingkod sa kanilang lugar sa Sta Cruz, Manila.
Hindi nagtagal ay sinubukan din ni Pipoy na tumakbo bilang isang konsehal at kalaunan pa ay umupa din ito bilang Bise Alkalde.
Sa kabilang ng kanyang paglilingkod sa mga mamamayan at pagiging aktibo bilang aktor ay dinapuan si Larry Silva ng karamdaman.
Tinamaan si Larry ng sakit sa bato dahilan ng unti-unting paghina at pagbagsak ng kanyang malaking katawan.
Napabayaan ni Pipoy ang kanyang sariling kalusugan na marahil ay nakuha nito sa madalas na pag-inom ng alak noong kanyang kabataan.
Dalawang taon lamang simula ng dapuan si Pipoy ng karamdamang bato ay tuluyan na itong nagpaalam noong taong 2004 sa edad na 66.
Larawan mula sa alchetron |
Si Larry Silva ay isang magaling na aktor, mabuting ama sa kanyang mga anak, mapagmahal na asawa at tunay na maaasahan pagdating sa pagsisilbi sa publiko.
Simpleng paalala lamang para sa ating mga kababayan na ingatan natin ang ating kalusugan upang sa ganun ay makasama pa natin ng mahabang panahon ang ating mga mahal sa buhay.
***